Sa ginugugol ng Pamahalaang Lunsod ng San Pablo sa ating City College na DLSP na umaabot sa mahigit na P20M kada taon ay walang duda na maituturing na mga iskolar ng bayan ang humigit kumulang na 4,000 mag-aaral na naka-enroll doon ngayong school year, dahil batid nating lahat na maliit na bahagdan lang ng halagang ito ang bumabalik sa lokal na pamahalaan at ang kakulangan ay pinupuno sa pamamagitan ng subsidiya.
Bilang pagpapahalaga ng Adming Vic Amante sa mga mahihirap na mag-aaral ay kaylan man ay hindi nito naisip na itaas ng sakdal ang tuition fee upang pagkakitaan ito ng tisorerya ng lunsod o dili kaya’y iyong tinatawag na maka break-even man lamang. Hindi rin kaylan man naisip ng lokal na pamahalaan na magbawas ng mag-aaral na maaaring tanggapin ng DLSP upang makatipid ng gastusin.
Ito ang ginagawa ngayon ng ilang State University and Colleges (SUC’s) na buhat sa panig na pang-serbisyo ay ginawang negosyo ang edukasyon sa pakiwari.
Nang nakaraang taon ang University of the Philippines (UP) ay nagtaas ng tuition ng 300% na ibig sabihin ay tatlong ulit ang gastusing kailangan upang doon ay makapag-aral. Ang Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) na pag-aari ng gobyerno ay nagpatupad ng pagtataas ng 600%, na marahil ay hindi upang kumita manapa’y ang magbawas ng mag-aaral. Makaraan nito ay nabawasan ang enrollment nila ng 50%.
Noong 2003 ay 400% ang itinaas ng tuition sa Philippine Normal University (PNU) at ang Polytechnic University of the Philippine (PUP) ay nakatakdang magtaas ng 525% sa tuition, hindi lamang naipatupad dahilan sa pagtutol ng mga mag-aaral.
Ang isa pang kaparaanang ginagawa ng ibang SUC’s ay ang pagbabawas ng budget sanhi sa kakapusan ng pondo ng operasyon.
Alin man sa mga nabanggit ay hindi sumagi, ni sa hinagap sa isipan ni Mayor Vicente B. Amante na ipatupad. Mas lumobo ang enrollment ng DLSP sa ngayon, mas lumaki ang subsidiyang ibinibigay sa mga iskolar ng bayan at ni hindi tinitipid ang mga kabataang mag-aaral na uhaw sa karunungan.
Ito ang kaibahan ng DLSP sa ibang SUC’s na pinamumunuan ng ilang hindi marunong magmalasakit sa kanilang mga mag-aaral. Himig negosyo ang ipinatutupad sa pagpapalaganap ng edukasyon, sa kabila ng katotohanang ang mga paaralang ito ay pag-aari ng pamahalaan, na madalas makaringgan ng salitang LUGI. Ngunit sino ba ang malulugi kung ang bawat mamamayan ay napagkakalooban mo ng edukasyon?
Kakaiba ka nga DLSP sapagkat bukod sa may mahusay na nangangasiwa ay may mapagkalinga kang NINONG VIC AMANTE!!!(Sandy Belarmino/7LPC)
Wednesday, June 18, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment