Pinatunayan lang ng pulisya sa pagkaka-resolba ng dalawang higanteng kaso dito sa Laguna, ang RCBC at Hurnalan massacre, na walang maituturing na perfect crime na kayang itago ng mga masasamang elemento ng lipunan ang hindi matutuldukan.
Blank wall ang kinaharap ng kapulisan upang masulusyunan ang mga naturang kaso, walang lead na pagsisimulan ngunit hindi ito nakaapekto sa kanilang gawain sabihin mang may matinding pressure habang kanilang pinag-aaralan ang mga hakbang na isasagawa. Ito ay bukod pa sa negatibong public opinion na kanilang tinatanggap sapagkat sa nakalipas na dalawang linggo ay naging laman ang mga ito ng pahayagan, telebisyon at radyo.
Kapwa case solved na ang nangyari sa RCBC, Cabuyao at ang pamamaslang sa Brgy. Hurnalan sa Calamba.
Pinaka matindi ang pressure na tinanggap nina PNP Calabarzon P/C Supt. Ricardo Padilla, Laguna PD P/S Supt. Felipe Rojas Jr. at Calamba COP Supt. Nestor de la Cueva ngunit hindi ito naging dahilan upang sila’y ma-out of focus. Unang nakahinga ng maluwag si Supt. De la Cueva sa pagkaka-neutralize sa prime suspect sa Hurnalan massacre.
Dahil sa kaselanan ng gawain ay bihira nang matagpuan sa Laguna PHQ si PD Rojas sa nakalipas na mga araw sanhi ng kanyang direktang pangangasiwa sa kapulisan sa field. Ang kanyang sigasig ay nagbunga ng maganda sa maagang pagkakalutas ng mga nasabing kaso. Una nga ay ang pagkakapatay sa suspek sa Hurnalan nang ito ay manlaban sa mga operatiba ng Calamba Police. Naisampa na rin ang kaso laban sa mga suspek sa RCBC robbery.
Ang dalawang malagim na kasong ito ay nakabahala sa pamunuan ng PNP. Araw-araw ay nakatutok si PNP Director General Avelino Razon at buong staff ng Camp Crame, kung kaya may dapat tayong ipagpasalamat sa kanila.
Nararapat ding pasalamatan sina P/C Supt. Padilla sa pagkakabuo niya ng Task Force RCBC na pinamunuan ni P/S Supt. Aaron Fidel na naging susi sa kalutasan ng kaso. Si Col. Fidel ay nakasuhan pa sa CHR kaugnay ng nasabing usapin subalit bilang isang veteran police officer ay batid niyang ito ay isa sa risk na maaaring kaharapin ng isang pulis.
Nakapag-ambag din sa kalutasan ng kaso sina Reg. 4A CIDG Chief P/S Supt. Christopher Laxa at buong region 4A Intelligence community particular ang RSOG na sa pagtugaygay sa kaso ay nakapagbuwag ng hold-ups syndicate na labas sa naturang usapin. Keep up the good work mga ka-partner sa PNP. Congrats RD and PD.
At sa mga suspek, bukas po ang ating hukuman upang dinggin ang inyong panig. (NANI CORTEZ/President-Seven Lakes Press Corps)
Sunday, June 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment