Sunday, June 22, 2008
FUTURE GRANDMASTER
San Pablo City -Nasa larawan si Gold Medalist Asean Chess Player Carl Angelo Dizon-Perez ng Barangay San Roque, Lunsod ng San Pablo. Napagwagian ni Carl Angelo at ng kanyang mga ka-team ang medalyang ginto at ang unang karangalan sa katatapos lamang na 9th Asean Age Group Chess Championship na ginanap sa Danang, Vietnam noong nakaraang Hunyo 9-17 na nilahukan ng lahat na bansa ng Southeast Asia at humigit kumulang na 40 Chess player. Sa indibidwal na kompetisyon ay nakopo ni Carl ang ikatlong pwesto at ang Bronze medal.( SANDY BELARMINO/7LPC)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment