San Pablo City - Ang pagkakaroon ng mahalagang papel ng mga kabataan sa kalayaan ng bayan ang naging batayan ng adbokasiya ng lokal na pamahalaan upang isulong ang kapakanan ng nasabing sector ng lipunan. Ito ang naging tampok na tema sa ika-110 taong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan noong Huwebes na ginanap sa liwasan ng lunsod na ito.
Sa seremonyang dinaluhan nina City Administrator Amben Amante, Board Member Rey Paras, PCL Laguna Chapter Pres. Danny Yang, Vice-Mayor Martin Ilagan, Kon. Aris Escudero at Chad Pavico, dating VM Palermo Bañagale, Dr. Ester Lozada, mga samahang sibiko at iba’t-ibang NGO, mga kawani ng pamahalaan at mga beterano ay binigyang diin ni Mayor Vicente B. Amante ang papel ng mga kabataan bilang pag-asa ng bayan.
Aniya ay ito ang kadahilanan kung bakit ang kanyang mga proyektong pangkalusugan at pang-edukasyon ay pawang nakatuon sa pagpapa-angat ng antas ng kabataan sa kanilang paglaban sa kahirapan upang makamit ng mga ito ang magandang bukas.
Sinabi pa ni Amante na ito rin ang dahilan kung bakit hindi niya pinapansin ang alin mang batikos na ibinabato sa kanyang administrasyon. Idinugtong pa ng alkalde na hindi magkakaroon ng katuparan ang pagtatayo ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo (DLSP), mga high school annexes sa mga barangay, City Hospital at iba pang edipisyo na naglilingkod sa mga mahihirap na kabataan.
Makaraan ng palatuntunan ay pinasinayaan ang bagong Library Hub na matatagpuan sa dating CFI Building (Old Municipal Hall) na ni-restore ng Lunsod at pamamahalaan ng Deped. (7 Lakes Press Corps)
Friday, June 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment