Friday, June 6, 2008

PARA SA MGA BATA

Santa Rosa Mayor Arlene Arcillas-Nazareno hands over to Ms. Judith Hasil, head of the Santa Rosa City Social Welfare and Development Office, the audio visual equipment for use by the 28 day care centers of the city. With them are the teachers representing the day care centers.
CITY OF SANTA ROSA, LAGUNA – Sa layuning pataasin ang kalidad ng edukasyon sa lungsod at patibayin ang pundasyon ng mga mag-aaral, nagkaloob si Punong Lungsod Arlene Arcillas-Nazareno at ang Sangguniang Panlungsod ng 28 audio visual equipment at learning kit sa City Social Welfare & Development Office (CSWDO) noong Hunyo 4 sa lahat 28 day care center sa 18 barangay ng lungsod.
Ang audio visual equipment ay binubuo ng 21-inch TV, DVD player at speakers, habang ang learning kit naman ay may 32 instructional VCDs ukol sa iba’t ibang aralin partikular na sa English. May laman rin ito ng mga teaching guide at iba pang learning material gaya ng building blocks and shapes
“Special project ito ni Mayor Arlene para sa mga day care children natin. Ang ipinagkaloob niya na learning kit ay isang multimedia learning material for day care na ginagamit din sa mga private day care centers,” pahayag ni Judith Hasil, pinuno ng City Social Welfare and Development Office.
Aniya, malaking tulong ito sa mga day care children upang maiangat ang antas ng kanilang kaalaman at makasabay din ang mga day care center ng lungsod sa mga pribadong day care center.
Ayon kay Divina Cequeña, day care worker ng Brgy. Balibago, malaking tulong ang mga nasabing equipment sa mga care worker tulad niya. “Mas madali ko nang maituturo ang mga aralin sa mga bata dahil enjoy sila sa panonood habang natututo,” aniya. (Aries Zapanta/CIO/Sta. Rosa City)

No comments: