Tuesday, June 17, 2008

GAMOT PARA SA MGA KAPUSPALAD

Bilang bahagi ng Libreng Gamot Program na inialay sa Unang Distrito, namahagi ng maraming gamot si 1st District Board Member Emil Tiongco para sa mga maralitang mamamayan sakop ng bayan ng San Pedro, Biñan, at lungsod ng Sta. Rosa.

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang lokal ng bayan ng San Pedro, sa ilalim ni Mayor Calixto Cataquisz, Biñan Municipal Mayor Marlen Alonte, at Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcillas Nazareno, nakiisa at tumulong din ang mga ito para sa patuloy na isinasagawang programa at ang magkakahiwalay na Medical Mission sa lugar.

Layunin ng serbisyo ang matulungan ang mahihirap na mamamayan para mapagkalooban ng libreng gamot para sa kani-kanilang mga karamdaman at tuloy malunasan ang mga ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Community Hospital at ilang pribadong pagamutan dito.

Ayon kay Tiongco, naunang inilunsad ang proyektong ito noong nakaraang buwan ng Marso hanggang sa kasalukuyan kaakibat ang Pamahalaang Panlalawigan, mga lokal na opisyal at iba't ibang sektor ng Non-Government Organizations (NGO's) sa lalawigang ito.

Samantala, isinulong din ni Tiongco bilang isa sa kanyang resolution sa Sangguniang Panlalawigan ang "Global Warming Awareness Program" para sa Energy Conservation among Industrial, Commercial and Residential Establishments sa lalawigan.

Kabilang ang Air Pollution Control, Replacement of Electric Powered Street Lights along National and Provincial Roads, Water Conservation, and Preservation of Existing Forest Areas bilang bahagi ng "The Clean Air Act of 1999" (NANI CORTEZ)

No comments: