Calamba City, Laguna - Higit na pinalakas ng lokal na pamahalaan ang kampanya sa pagtataguyod ng karapatang pambata upang mas madaling matamo ng lunsod ang pagiging Child Friendly Community sa rehiyon.
Aktibong isinusulong ni City Mayor Joaquin Chipeco Jr. ang pagpapatupad ng mga polisiyang pinalalaganap ng Child Abuse Prevention Intervention Network (CAPIN) sa kalunsuran upang maunawaan ng mas nakararami ang Child’s rights hanggang sa kanayunan.
Sa pakikipagtulungan ng Open Heart Foundation ay nabalangkas na ni City Social Services Development Officer (CSSDO) Atty. Manuel Ladrido ang mga programang isasagawa para sa taong 2008-2009 na may pakikipag-unawaan sa mga stakeholders partikular ang nakapaloob sa 5 Pillars of Justice System, at mga opisyal ng barangay.
Ibabatay sa naturang programa ang karapatan ng mga kabataan maging ito ay biktima o lumabag man ayon sa tinatadhana ng RA 9344 na mas kilala sa Child in Conflict with the law Act of 2007, kung saan binibigyan ng pagkakataon ang nagkasalang kabataan na magbago at mapasailalim sa pagtutuwid sa tulong ng pamahalaang lunsod.
Panimulang hakbang ay ang pagsasagawa ng walang humpay na seminar tungkol sa Alternative Dispute Resolution upang sanayin ang mga chairmen at kagawad ng barangay at ang pagkakaroon ng Women’s Desk sa kanilang lebel nang sa gayon ay tuwirang maresolba ang kaapihang sinasapit ng mga bata. (NANI CORTEZ)
Thursday, June 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment