Thursday, June 26, 2008

EDIPISYO NG CITY HALL, IPINAGAMIT NI AMANTE SA LAND BANK

San Pablo City- Umabot na sa humigit kumulang na 7,000 ang nabayaran ng Land Bank of the Philippines simula nang ipagamit ng lokal na pamahalaan ang mga edipisyong Pamana Hall at One Stop Shop sa ilalim ng Pantawid Kuryente Katas ng VAT subsidy program ng pambansang pamahalaan sa mga below 100 KW end user ng Meralco.

Ang pagpapagamit sa mga naturang edipisyo ay bilang tugon ni Mayor Vicente B. Amante sa mga karaingang nakarating sa kanyang tanggapan sa unang araw nang pagdagsa ng mga claimants sa sangay ng Land Bak, kung saan ay kanyang napag-alaman na maraming nagtitiyaga sa pagpila sa ilalim ng init ng araw.

Ikinatuwa ng mga taga Land Bank ang kagandahang-loob ng alkalde sapagkat nagbigay ito ng kasiguruhan sa kaligtasan ng mga claimants laban sa anumang sakuna at kaukulang proteksyon sa mga nabanggit laban sa anumang sakuna at kaukulang proteksyon sa mga nabanggit laban sa init ng panahon o biglang pag-ulan. Nagbigay din ito ng kaluwagan sa mga kawani ng naturang bangko at mga support group buhat sa DSWD bukod pa sa mga tauhang pinatulong ng punong lunsod na umalalay sa mga claimants.

Ang mga tumanggap ng P500 subsidy ay nagbuhat sa lunsod na ito, mga bayan sa ikatlong purok ng Laguna at mga bayan ng Tiaong at Dolores sa Quezon.

Sina P/Supt Joel C. Pernito, P/Insp. Rolando Libed at CESPO SPO4 Guevarra ng San Pablo City PNP ang nagbigay siguridad sa kasagsagan ng bayaran sa pamamagitan ng pagtatalaga ng 12 pulis sa paligid ng mga nabanggit na edipisyo. (SANDY BELARMINO)

No comments: