San Pablo City – Maglalaan ng P100-Milyong piso ang Pamahalaang Panlalawigan sa susunod na tatlong taon kaugnay sa programang Todo-Sigla Laguna sa Agrikultura na magsisimula sa taong 2009 hanggang 2011 bilang pang-alalay sa sector ng magsasaka ng naturang probinsya.
Ito ang inihayag ni Provincial Administrator Dennis S. Lazaro (DSL) sa turn-over ceremonies ng mga gamit pangsakahan sa mga barangay ng lunsod na ito bilang bahagi ng Priority Program/Project ng Tanggapan ng Gobernador. Labing-walong barangay ang tumanggap ng water pump, soluble fertilizer at mga binhing gulayin.
Bilang panimula ayon kay DSL ay may inisyal na ilalaan ang Land Bank na 5 Milyong Piso at karagdagang halaga na P30-M pautang sa mga kooperatiba.
Layunin ng programa dugtong pa ni DSL na maitaas ang antas ng buhay ng mga magsasaka sa lalawigan sa patitibaying ugnayan ng kanyang tanggapan, provincial agriculturist at mga bayan at lunsod sa nasasakupan ng lalawigan.
Nagbigay kasiguruhan si DSL na ang programa ang maglalagay sa lalawigan sa pedestal ng kasaganaan sa larangan ng agrikultura patungo sa naising food sufficiency ng bansa. (SANDY BELARMINO/VP-Seven Lakes Press Corps)
Friday, August 1, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment