ALAMINOS, LAGUNA—Matagumpay ang pangatlong Medical and Dental Mission sa distrito na isinagawa ni Third District Congresswoman Ma. Evita Arago sa ipinamalas na pakikiisa ng local na pamahalaan at mga manggagamot sa nag-alay ng kanilang serbisyo.
Tinataya ni Mayor Eladio Magampon na aabot sa 1,500 pasyente ang napagkalooban ng konsultasyon dahil sa dami ng mga doctor at dentista, mga nurses, pharmacist at medical personnel na umalalay sa pagdagsa ng pasyente buhat sa 15 barangay ditto na sinamantala ang pagkakataon ng libreng gamutan.
Bukod sa libreng gamot na ipinamimigay ay nagkaroon din ng SBS examination, isang pagsusuri upang malaman ang sugar count ng isang pasyente. Iba’t-ibang doctor ang nangasiwa sa pediatrics at general medicines.
Ang una’t pngalawang medical at dental misyon ni Rep. Arago ay ginanap sa bayan ng Nagcarlan at Rizal nang nakaraang Linggo at nakatakdang idaos ang pang-apat sa bayan ng Victoria.
Nagpasalamat si Arago kina Mayor Magampon at ABC Pesident Oscar Masa sa ginawang disiminasyon ukol sa libreng gamutan, ganon sa 25 doctor, 20 dentista at iba pang umalalay upang maging lubos itong tagumpay.
Ang libreng gamot ay bahagi ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng kongresista sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Kalusugan. (NANI CORTEZ)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment