Friday, August 29, 2008

MAYOR PINAPURIHAN ANG KAPULISAN

PANAUHING PANDANGAL. Binigyan ni P/Supt. Hubert B. Tuzon, Training Director ng Institute Training Group ng Philippine National Police, si Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas-Nazareno ng pagkilala bilang panauhing pandangal sa pagtatapos ng Public Safety Senior Leadership Course (PSSLC) noong Agosto 29, 2008 sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Calamba City, Laguna.

LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA – “No one compares to someone who aims to improve his skills and knowledge. No one compares to someone who has set a goal for himself and his organization. And your achievement thus far will bring much more accomplishments for yourselves, your families and the police service.”
Ito ang mensahe ni City Mayor Arlene Arcillas-Nazareno sa mga nagtapos ng Public Safety Senior Leadership Course (PSSLC) noong Agosto 29, 2008 sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Calamba City.
Si Mayor Arcillas-Nazareno ang nagsilbing panauhing pandangal sa pagtatapos na kurso ng ibinigay ng Philippine National Training Institute, Institute Training Group (PNTI-ITG).
Ang PSSLC Class 2008-01 ay binubuo ng 72 kagawad ng Philippine National Police (PNP) mula sa iba’t ibang PNP National Support Units at Police Regional Offices.
Kabilang sa mga nagtapos ay sina SPO2 Victor Gaspar, Jr. at SPO2 Ranulfo Rosales, kapwa nagmula sa Police Security Protection Group (PSPG) at nagsisilbing close-in security ni Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas-Nazareno.
Sa kanya ring menshae, binigyan diin ni Mayor Arcillas-Nazareno na hindi sapat na magkaroon lamang ng maayos na training o pagsasanay at magkaroon ng makabagong kagamitan ang pagiging isang mahusay na pulis. Aniya, mas kinakailangan ang pagiging tapat at tunay na paglingkuran ang pamayanan upang makamit ng kapulisan ang pagtitiwala at paggalang ng mamamayan na kanilang pinaglilingkuran.
Hinikayat rin ni Mayor Arcillas-Nazareno ang mga nagsipagtapos na mas lalo pang paigtingin ang pagbibigay ng tapat at mahusay serbisyo sa mamamayan at ang kanilang patuloy na pag-unlad sa kanilang larangan.
Ang PSSLC isang mandatory training course kung saan ang bawat Senior Police Officer na gustong umaangat ang ranggo ay kinakailangang sumabak sa training na ito. Kabila sa itinuturo sa naturang kurso ay ang general formation, laws, ethical standard, operational procedure, patrolling, traffic rules, public safety at marami pang iba.(ARIES ZAPANTA/CIO Sta. Rosa City)

No comments: