Los Baños, Laguna – Tinututukan na ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ang pangangalaga sa intellectual property rights ng mga siyentista at mga mananaliksik upang mabigyang proteksyon ang kanilang imbensyon at mga makabuluhang tuklas sa larangan ng agrikultura.
Ang polisiya ay bahagi sa mga isinusulong ng PhilRice na makalikha, pangalagaan at pagyamanin ang intellectual property ng ahensya at mga kaalyadong tanggapan sa kaakibat na pakinabang na matatamo buhat sa epektibong paggamit ng alin mang imbensyon.
Hiniling ng mga siyentistang nagsasagawa ng mga pananaliksik na ang patakarang ipinatutupad ng PhilRice ay gawing pirmihang pamantayan maging sa labas ng naturang ahensya, na sa ngayon ay seryosong pinag-aaralan ng Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development (PCARRD) upang maisakatuparan.
Naghayag na ng pakikiisa sa nasabing layunin ang Bureau of Agricultural Research at Bureau of Post-Harvest Research and Extension kapwa nasa ilalim ng Dept. of Agriculture at International Rice Research Institute sa proteksyong ibinibigay ng PhilRice ukol sa Intellectual Property. (NANI CORTEZ)
Sunday, August 3, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment