Camp Vicente Lim – Ipinatutupad ng pambansang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang maayos at makataong pamamahala ng mga piitan sa buong kapuluan sa kabila ng kakulangan ng pondong gugulin ng naturang ahensya.
Sa talumpating binigkas ni Jail Director Rosendo M. Dial kaugnay sa pagdiriwang ng ika-17 taon ng BJMP ay kanyang nilinaw na hindi dapat maging sagwil sa makataong pagse-serbisyo ng isang jail personnel ang ano mang kakapusan, manapa’y dapat tanggapin itong isang hamon sa ngalan ng public service.
Ang serbisyo publiko aniya magkaminsan ay may tagumpay at kabiguan, na nararamdaman ang hirap kung laging isasaisip ang kakulangan ng tauhan, pasilidad at inmates subsistence at iba pang nakapagpapahina sa isang lingkod bayan sa pagtupad ng kanyang tungkulin, kung kaya dugtong pa ng heneral na hindi dapat sumuko at gawin itong inspirasyon upang hindi magkaroon ng kapaguran.
Dahil sa ipinakitang kahusayan at katapatan sa paglilingkod ay pinasalamatan ni Heneral Dial ang lahat ng kawani ng bureau sabay hiling sa mga ito na magpatuloy. Kinilala niya sa tulong ni RD J/S Supt. Norvel M. Mingoa ang mga namukod tangi kaugnay ng kanilang anibersaryo ang mga sumusunod: District Jail of the Year, Quezon District Jail; City Jail of the Year, Tagaytay City Jail at Municipal Jail of the Year, Dasmariñas Municipal Jail.
Samantalang sa individual awards ngayong taong ito ay sina: Senior Officer, J/Supt Revelina Sindol; Junior Officer, J/Insp. Rodante Oblefias; Female Staff Officer, J/Supt. Nenita Nael; Male Staff Officer, J/S Insp. Manuel Labeste; Welfare & Dev’t Officer, J/C Insp. Mayla Chua; Field Officer, J/C Insp. Belinda Ebora; Provincial Jail Administrator, J/C Insp. Bermar Adlam; District Jail Warden, J/Supt Randel Latoza; City Jail Warden, J/C Insp. Flory Sanchez; Municipal Warden, J/Insp. Erlinda Turaray. Special Awards San Pablo City Jail Warden J/S Insp. Arvin T. Abastillas at Sta. Cruz District Jail Warden J/S Insp. Lorenzo Reyes.
Napagkalooban din ng special awards ang tatlong city mayor ng Laguna, dahil sa suportang ibinibigay sa BJMP, na sina San Pablo City Mayor Vicente B. Amante, Calamba City Mayor Joaquin M. Chipeco at Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcillas-Nazareno. (NANI CORTEZ/SANDY BELARMINO – Seven Lakes Press Corps)
Wednesday, August 6, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment