San Pablo City – Makabuluhan ang resulta ng Lakbay Aral na ginawa ng mga nagbisitang lokal na opisyal ng Kananga, Leyte sa lunsod na ito sa dami ng natutunan sa local governance na maiangkop sa pagbabalik sa kanilang bayan.
Ang bayan ng Kananga, Leyte na matatagpuan sa Region 8 ay ang kinikilalang Geothermal Capital ng Asya sapagkat dito nakatayo ang pinaka-una at pinakamalaking geothermal power generator ng Napocor na nagsu-supply ng kuryente sa Luzon at Kabisayaan sa pamamagitan ng kableng dumaan sa ilalim ng karagatan. Ang geothermal plant ay pag-aari na ngayon ng Pamilya Lopez.
Aral Lakbay ang ginawa ng delegasyon sa San Pablo ayon kay Kananga Mayor Eming Codilla sa dami ng nais nilang matutunan upang magamit sa kanilang bayan. Partikular na tinuran ni Codilla ang One Stop Shop Processing Center, San Pablo City Shopping Mall at sanitary landfill facilities ng lunsod.
Si Codilla ay nakababatang kapatid ng Ormoc City Mayor at ng kongresista ng naturang distrito. Si Codilla ang pangulo ng leadership seminar kung saan naging kaklase niya si San Pablo City Administrator Amben Amante.
Nais rin nilang matutunan kung paano pinamamahalaan ng lunsod na ito, ayon kay Vice-MayorBoy Lumangtad, ang aspeto ng nutrisyon, kapaligiran, social services at ng barangay. Kasama sa delegasyong dumating ang maybahay ng alkalde, pangulo ng ABC at 23 barangay chairman ng naturang bayan. Mayroon itong 52,000 populasyon sa kasalukuyan. (SEVEN LAKES PRESS CORPS)
Tuesday, August 5, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment