Camp Vicente Lim - Pormal nang binuksan ang PADI’s PARK sa loob ng kampong ito makaraang pasinayaan ni P/Director Charlemagne Alejandrino, hepe ng Directorate for Logistics ng Philippine National Police (PNP) kahapon.
Ang parke na nagmula sa ideya ni Police Regional Office PRO4A Regional Director P/C Supt. Ricardo Padilla Jr. nang ipagawa niyang palaruan ang bakanteng lote sa naturang kampo para sa mga anak ng kapulisan na dito nakadistino, at sa mga kabataan ng mga katabing barangay.
Sa ngayon ay mayroon itong 1 slide with bridge/boardwalk, 2 slide, 1 snake tunnel, 6 na pares ng seesaw, 8 swings, 4 hanging bars at mga garden chairs para sa mga adults habang pinanonood ang paglalaro ng kanilang mga anak.
Itinayo ang park ayon kay RD Padilla upang higit na mailapit ang kapulisan sa damdamin ng taumbayan nang sa ganoon ay makapag-iwan ng impresyon na ang Mamang Pulis ay madaling lapitan, maaasahan, maka-tao at may takot sa Diyos.
Ang mga pulis aniya ay naglilingkod ng 24 oras, pitong araw kada linggo na nagiging sanhi ng pagkukulang ng quality time para sa kanyang pamilya.
Ito ang dahilan patuloy pa ni Padilla upang ipatayo niya ang palaruan nang may mapaglibangan ang mga anak ng kapulisan.
Kaugnay nito ay nagpagawa rin ang police regional director ng Day Care Center at kasalukuyang tinatapos na ang basketball court bilang karagdagan sa parke.
Sinundan ang pasinaya ng isang feeding program. (NANI CORTEZ)
Saturday, August 9, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment