Calamba City, Laguna – Nalagdaan na ang Covenant of Understanding (COU) sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at Laguna Media Professional Society (LAMPS) hinggil sa pagtatayo ng Fourth State Village para sa mga kagawad ng media sa lalawigan kahapon.
Sa ilalim ng naturang kasunduan ay personal na maglalaan si Gob. Teresita Lazaro ng lote sa bubuksang subdibisyon ng pamilya na babayaran ng mga miyembro ng LAMPS sa nalolooban ng limang taong na walang interes. Nakasaad din dito na ang Housing Program ng lalawigan ang mamamagitan sa mga kompanyang may operasyon sa probinsya para sa posibilidad na pagtatayo ng murang pabahay.
Ang mga lumagda sa kasunduan ay sina Gob. Lazaro, Momoy Cardenas at Mario Diozon ng LAMPS, Vivencio Malabanan ng Laguna Housing Program, Provincial Administrator Dennis S. Lazaro na sinaksihan nina Board Member Rey Paras at Emil Tiongco.
Ayon sa gobernadora, ang COU ay bilang pasasalamat niya sa tulong at unawa ng media sa kanyang adminstrasyon, na nakatakdang matapos sa 2010, magkaganoon man ay kanya pang hiniling sa mga ito na laging maging mapanuri sa mga ipinahahayag upang hindi makasira sa imahe ng lalawigan.
Sinabi pa ni Lazaro na hindi niya tatawaging pabahay ang proyekto sapagkat ang pangarap niyang maipagkaloob sa mga kagawad ng media ay isang tahanan. (NANI CORTEZ)
Sunday, August 3, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment