Wednesday, October 28, 2009

MOBILE PASSPORT SERVICE NI AMANTE, TAGUMPAY

San Pablo City - 347 katao ang nabigyan ng passport sa isinagawang Mobile Passport Service nuong Oktubre 24, 2009 sa One Stop Processing Center na isinagawang muli ng City Mayor’s Office sa pakikipagtulungan ng Dept. of Foreign Affairs Manila at Lucena.

Regular na isinasagawa ni Mayor Vicente Amante ang mobile passporting upang huwag ng mahirapan at magastusan ng malaki ang mga taga-lunsod at mga karatig bayan para sa pagkuha ng passport.

Namuno sa pag-iissue ng passport ang mga kawani ng DFA MDC-Mla Photo Section na sina Donald Moreno, Melbert Gabuan at Fred Fernand. Mula naman DFA RCO Lucena sina Admin. Offcr. Raul Villanueva, Records Offcr. Ceres Jaca, Cashier Hazel Pena, Encoder Dee Jay Maog at Processors Herman Ric Vilegano at Lourdes Marie Reyes.

Nakiisa at tumulong rin sa matagumpay na passporting ang iba pang tanggapan ng pamahalaang lunsod tulad ng City Legal Office para sa mga legal assistance. Nakiisa rin ang City Civil Registrar para naman sa mga problema o pangangailangan sa iba’t-ibang civil registry documents na kailangan sa pagkuha ng passport. Tumulong naman sa pagpapatupad ng maayos na sistema ng issuance ng passport ang SPC Police Station. (CIO-SPC)

No comments: