Tuesday, October 13, 2009

HAPPY BIRTHDAY VBA

Dalawang mahahalagang kaganapan ang nakatakdang mangyari sa Lunsod ng San Psblo sa darating na Oktubre a bente siete na kapwa may kinalaman sa araw ng pagsilang- ang birthday ni Mayor Vicente B. Amante at ang pagbubukas ng San Pablo City General hospital (SPCGH) na hudyat ng pagsisimula ng paglilingkod sa sambayanang San Pableño.

Sumasagisag ang SPCGH sa mga hangarin ng mga residente ng lunsod na binigyang katuparan ng alkalde bilang bahagi ng kanyang vision para sa mga nasasakupan na higit na mapaglingkuran ang pangkalusugang pangangailangan ng kanyang mga kababayan.

Makailang ulit itong ipinaglaban ng punong lunsod at makaraan ang maraming pagbatikos mula sa mga walang malasakit sa mga San Pableño ay tuluyang natapos ang konstruksyon, at natayo nga ang SPCGH na tila isang obra maestrang sumisimbolo sa naisin ng mga San Pableño na magkaroon ng sariling pagamutan.

Matatagpuan ang bagong tayong SPCGH sa Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo (DLSP) Complex sa Brgy. San Jose Malamig na isang paghahanda para sa pangarapin ng mga San Pableño sa malapit na hinaharap na magkaroon o mag-offer ng College of Nursing, tungo sa posibilidad para sa College of Medicine balang araw dahil wika nga’y hindi naman masama ang mangarap, basta lang ba nandyan si Mayor Amante na nakahandang tumugon. Happy Birthday sir.

0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0

Patuloy ang UGNAYANG I.V.Y. sa masigasig na paglilingkod sa taumbayan kung kaya’t sa bawat araw na magdaan ay higit silang umaani ng simpatiya at suporta buhat sa mga mamamayan. Sa kanilang ugnayan ay mas napapagaan ang mga gawain, mas napapabilis ang bawat serbisyo at mas marami ang higit na napaglilingkuran.

Mahusay ang blending ng grupong ito sa ngalan ng serbisyo publiko kaya’t nakatitiyak na pagkakalooban ng taumbayan ng mandato bilang mga lingkod bayan sa Mayo 2010. ang teamwork ay binubuo nina Congresswoman Ivy Arago, Mayor Vic Amante at future Vice-Mayor Angie Yang, na ayon sa mga nagmamasid ay mas lalong tumitibay habang papalapit ang halalan.

Good Luck and God Bless po sa UGNAYANG I.V.Y. (Sandy Belarmino)

No comments: