SAN PABLO CITY- Labing-walong multicab at dalawang garbage compactor ang ipinamigay ng tanggapan ni Congresswoman Ivy Arago sa 20 barangay ng ikatlong purok ng Lalawigan ng Laguna.
Ang 20 sasakyan ay buhat sa inisyatiba ni Rep. Ivy arago at mula sa bahagi ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng kongresista bilang pag-alalay sa mobility ng mga nasabing barangay.
Kamakailan ay nagkaroon na ng simbolikong turn-over ng mga susi ang tanggapan ng mambabatas bilang kasiguruhan sa mga chairman, subalit ang actual na pag turn-over ay ginawa nitong nakaraang linggo, People’s Day ni Rep. Arago sa Sitio Balok, lunsod na ito.
Ang mga tumanggap na mga chairman ng service multi-patrol car ay sina Chairman Agripino Vineza ng Malabo Kaluntukan at Eduardo Dimaguila ng Palayan, Liliw, Laguna; Barangay Maiit Chairman Loidigo Consebido, Danilo Commendador, Cabuyao, Rene Dorado, Sabang at Amado Cruzine, Palina, pawang sa Nagcarlan, Laguna, sa bayan ng Calauan ay sina Lamot 1 at Hanggan Chairman Gregorio Ocampo st Rufino Magdatu, samantalang sa Alaminos ay sina Chairman Emerson Maligalig ng Poblacion 2 at Chairman Wilson Marake ng Poblacion 3.
Benepisyaryo rin ng multi-cab mula kay Rep. Arago sina Barangay III-A Chairman Glen Avanzado, Arnel Ticzon, Barangay III-D, Ronaldo Castillo, Barangay VI-A, Bernabe Morta, VII-A, Roberto Magdae, VII_B, San Pedro Chairwoman Nida Almario, Soledad Chairman Romeo Gonzales at Santisimo Chairwoman Ana Calabia pawang ng San Pablo City.
Ang mga garbage compactor naman ay para kina Chairmen Ferdinand “Taggy” Reyes at San Isidro Chairman Eloy de la Paz.
Tuesday, October 13, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment