San Pablo City - Upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng darating na elekson sa Mayo 10, 2010, tiniyak ngayon ng local na pamahalaan ng Lunsod ng San Pablo na kanilang tutulungan ang Commission on Election (COMELEC) sa ilang gawain nito.
Ito ang ipinahayag ni San Pablo City Mayor Vicente B. Amante matapos manawagan ang Comelec na hihilingin nito ang tulong ng mga barangay official upang maisaayos ang kauna-unahang national poll automation sa darating na Mayo 10, 2010.
Ayon kay Amante malaking papel ang gagampanan ng mga barangay leader sa darating na eleksyon particular na ang information campaign ng Comelec kabilang na ang pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa mga barangay kung saan naroroon ang mga poll precent.
Hindi pa umaalis sa kaisipan ng ating mga mamamayan ang diumanoy mga anomalya at kaguluhang naganap sa mga nakaraang National Election na nagdulot ng pag-aalinlangan sa integridad nito.
Inaasahang makikipag-ugnayan ang mga offfical ng barangay sa Comelec at maaaring magbigay ng seminars ang mga barangay official sa mga botante kung papaano mag-fill-up ng balota para sa poll automation. Magaling at bihasa ang mga tao natin sa mga barangay at tiyak na kukunin ng Comelec ang mga leader na nasa grass root level at nakakatiyak tayo na magtatagumpay sila, pahayag pa ni Amante. (Eddie Ticzon)
Wednesday, October 7, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment