Thursday, April 2, 2009

SPCSHS HUMAKOT NG KARANGALAN SA REGIONAL METROBANK-MTAP MATH CHALLENGE

Muling naghakot ng karangalan ang mga estudyante mula sa San Pablo City Science High School (SPCSHS) sa Regional Metrobank-MTAP DepEd Math Challenge Individual and Team category na ginanap sa Padre Valerio Malabanan Memorial School, Lipa City noong Pebrero 27.

Sina Siena Catherine A. Maranan (4th year) at Christian Lloyd A. Tan (3rd year) ay pawang nakamit ang first place sa individual category samantalang si Edsel M. Bondad (1st year) ay nagkamit naman ng ikatlong gantimpala sa nasabing kategorya. Samantala, sa team category nakuha nila Christian Lloyd A. Tan at Bernadine F. Culaban (3rd year) ang 1st place. Tinanghal sina Siena Catherine A. Maranan at Sherilyn Dyan M. Sanchez (4th year) bilang second placer, Edsel Bondad at Clarissa Cacao (1st year) bilang 3rd placer at Gio S. Marasigan at Edlyn R. Gatchalian bilang 4th placer.

Si Mrs. Venus O. Macam ang tumayong coach-trainer ng team first year samantalang si Mr. Albert T. Saul naman sa team 2nd, 3rd at 4th year.

Ito ay muling patunay sa kagalingan ng SPCSHS sa paghubog sa mga estudyanteng may angking kagalingan sa larangan ng Mathematics at Science.

Matatandaan na ang mga mag-aaral ng San Pablo City Science High School ay ang siyang humakot ng lahat ng unang karangalan sa isinagawang Written and Oral math Challenge noong nakaraang Enero, 2009, sa individual at team category sa pagitan ng 22 pribado at pampublikong mga high schools sa Lunsod ng San Pablo. (SANDY BELARMINO/Vice-President, Seven Lakes Press Corps)

No comments: