San Pablo City - Inihayag na ang mga napiling Outstanding San Pableños 2009 na nagbigay kinang sa kanikanilang larangan bilang ambag ng lunsod na ito sa sangkatauhan, at nakatakdang parangalan sa Mayo a Siete kaalinsabay ng Foundation Day ng nasabing lunsod.
Ang larangan ng media ay napagwagian ni Rodrigo “Jiggy” Manicad, Jr., batikang reporter ng GMA-Channel 7, samantalang sa larangal ng teatro ay kikilanlin ang ambag ni Dr. Alexander C. Cortez. Si Manicad ay host ng programang Reporters’ Notebook ng naturang network at si Cortez ay director ng Dulaang UP.
Pararangalan sa larangan ng negosyo si Mrs. Perla D. Escaba na nagpatanyag ng Escaba Sweets, sa negosyo’t industriya ay si Engr Maximo E. Daquil sa pagtatatag ng Maxtronix Inc. na tumutulong sa electronics industry ng bansa, at Ramon Go Bun Yong, may-ari ng Ultimart Shopping Center dahil sa kanyang mga pang-sibiko at makataong Gawain.
Hindi matatawaran ang mga naiambag ng mga San Pableño na nasa sektor ng propesyunal nang nakaraang taon, na ang ningning ay nakapagbigay liwanag sa loob at labas ng lunsod.
Ang edukasyon ay kinatawan ni Dr. Lilia T. Reyes, Division Superintendent ng provincial schools sa Laguna; sa Banking/Accountancy ay si Rodrigo “Rod” Supeña na kasalukuyang direktor ng Landbank Leasing Corporation, Mabuhay Holdings, Inc., Country Rural Bank of Taguig at Sustainable Programs for Good Governanc na isang NGO.
Mula sa Department of Budget and Management ay hindi rin masusukat ang performance ni Joselito D. Follosco bilang Chief Budget Specialist, sa larangan ng health service ay si Dr. Godehardo G. Raymundo at sa larangan ng batas ay si Atty. Antonio E. Lacsam na kapwa nasa private practice ng kanilang propesyon.
Sina Justice Celia L. Leagogo ng Court of Appeals ay ipinagkakapuri ng kanyang mga kababayan sanhi ng kanyang ambag sa Judiciary ng bansa at si Engr. Bernardo Adriano Jr. sa larangan ng Civil Engineering na may lakip na parangal.
At sa hanay ng kabataan ay itatampok si Blairwin Angelo M. Ortega dahil sa kanyang kontribusyon sa larangan ng isport. Nakapag-uwi na ng maraming medalya si Ortega mula sa mga sinasalihang kompetisyon upang igalang ng kanyang mga katunggali.
Sila ang mga outstanding San Pableños ngayong taon, na ang kinang ay maituturing ng hiyas upang matawag na katangi-tangi. (SANDY BELARMINO)
Tuesday, April 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment