Thursday, July 31, 2008

MOBILE PASSPORTING PROJECT NI CONG. ARAGO, SA AGOSTO 21, 2008

San Pablo City – Isang malawakang Mobile Passporting Service ang nakatakdang ganapin ng Dept. of Foreign Affairs (DFA) sa Siesta Residencia de Arago, lunsod na ito sa pagtataguyod ni Congresswoman Ma. Evita “Ivy” R. Arago at sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa darating na Agosto 21, 2008.

Ang naturang proyekto ay nakagawiang isinasagawa ni Rep. Arago bilang alalay sa kanyang mga kababayang nagnanais magtrabaho sa ibayong dagat sa layuning mabigyan ng pagkakataon at kaluwagang makatipid ang mga ito, bukod pa sa katiyakang genuine ang passport na kanilang pinanghahawakan sa pagtungo sa ibang bansa kumpara sa uri ng pinadaan lamang sa ahensya.

Katulong ng mambabatas sa proyekto ang Office of the City Mayor Vicente B. Amante, mga tanggapan sa ilalim nito tulad ng Local Civil Registrar, Public Employment Services Offfice (PESO), City Admin Amben S. Amante at City Information Office, samantalang National Bureau of Investigation (NBI) at Commission on Election (COMELEC) ang buhat sa mga pambansang tanggapan.

Inaasahang sasamantalahin ng mga taga tercera distrito ang pagkakataong ito katulad ng mga nauna nang mobile passporting ni Cong. Arago kung saan ay mahigit 700 na ang napagkalooban ng passport. Ang mobile passporting service ay bahagi sa mga nakapaloob na adbokasiya ng IVY for the People, ang tanggapang nag-aaral at umaalam sa mga pangangailangan ng taumbayan sa ikatlong purok ng lalawigan.

Pinapayuhan ang mga kukuha ng passport na siguruhing kumpleto at wasto ang mga dokumentong ihaharap sa mga taga-DFA upang maiwasan ang suliraning maaaring idulot nito. Para sa higit na kabatiran ay magsadya sa tanggapan ni Cong. Arago sa dako ng Doña Leonila Park, Lunsod na ito o kayay tumawag sa Tel. No. 801-3109 o kaya’y sa 562-0650. (SEVEN LAKES PRESS CORPS)

GALLONER'S CLUB, BINUO

San Pablo City - Sa pagwawakas ng Blood Donors Month ngayong buwan ng Hulyo ay pormal na binuo ang Galloners’ Club ng Philippine National Red Cross (PNRC) San Pablo City Chapter sa layuning mapasigla ang paghahandog ng dugo bilang makabuluhang ambag ng isang indibidwal sa lipunan.

Mayroong itong 23 kasapi at natalaga bilang pangulo ng samahan si Dr. Emmanuel Loyola ng naturang lunsod.

Ang isang kasapi ayon kay Chapter Administrator Dorie Cabela ay kinakailangang nakapaghandog na ng hindi kukulangin sa isang galong dugo na karaniwang maaabot kung ang donor ay walong beses nang nag-donate ng dugo.

Normal na kinukunan ang isang blood donor ng hanggang 500 cc sa bawat extraction na maaaring isagawa sa tuwing maka-ikatlong buwan.

Hinikayat ni Loyola ang mga nagtataglay ng wastong kalusugan na ugaliing maghandog ng dugo sa Red Cross blood bank sapagkat ang mahalagang alay na ito ay tutungo sa iisang pakay na makapagligtas ng buhay.

Tiniyak pa ni Loyola na ang dugong naibahagi ay magagamit na pandugtong buhay at may posibilidad aniya na ang buhay na tinutukoy ay sa mismong blood donor. (NANI CORTEZ)

Tuesday, July 29, 2008

YAMAN SA KARANASAN, DALANG PAGBABALIK NI DATING GOB. JOEY LINA SA LAGUNA

San Pablo City - Matapat na karanasan sa larangan ng public service na papawi sa hinampo ng kanyang mga kababayan ang dala ni dating Gobernador Joey Lina sa kanyang pagbabalik sa lalawigan. Ito ang buod ng pagtitipong inihanda ng kanyang mga kaibigan sa G & E Resort and Restaurant lunsod na ito kahapon ng gabi na pinaunlakan ng dating provincial executive.

Si Lina ay gobernador muna ng Metro Manila Commission, dalawang termino bilang senador bago nahalal na punong lalawigan ng Laguna susi upang makamit ng nasabing probinsiya ang ibayong kaunlaran. Bilang pangulo ng League of Governors of the Philippines at founding president ng ULAP (Union of Local Authorities of the Philippines) ay nagawa niyang ipaglaban ang karagdagang P30 bilyong pisong share ng mga lokal na pamahalaan sa Internal Revenue Allotment (IRA).

Ang kasanayan sa lokal na pamamahala ang naging dahilan upang matalaga ang gobernador bilang kalihim ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) noong 2001. Ipinalagay ito ng ilan na tinalikuran niya ang probinsya ayon kay Lina subalit bilang DILG secretary at concurrent chairman ng Dangerous Drug Board at NAPOLCOM ay naitala ng pamahalaan ang paborableng resulta sa kampanya laban sa iligal na droga at nadisiplina ang mga tiwali sa hanay ng pulisya.

Yaman sa karanasan at tindi ng natutunan sa DILG ang muling magbabangon sa Laguna dugtong pa ni Lina. Ang lahat ay may kalutasan tulad ng makabagong pamamaraan sa pagsasaka upang maging self-sufficient sa ani ang probinsya, pagpapaunlad ng turismo para maresolba ang unemployment, ganoon din aniya ang manufacturing at pagpapalaganap ng livelihood projects upang magkaroon ng karagdagang kita ang mga taga-Laguna.

Ang kailangan lang aniya ay maging creative ang isang lider at nasa wastong pagtantiya sa lahat ng bagay.

Sinariwa pa ng dating gobernador na sa kabila ng maliit na income ng probinsya ay naipagawa niya ang mga daan, eskwelahan, pagamutan at maging mga palaruan sa buong lalawigan na walang inaalalang utang. Ito ang kailangan ayon pa kay Lina upang magtamasa ng tunay na kaunlaran.

Kaya aniya ay patalinhaga niyang sinabing: ”hindi pwede ang pwede na sapagkat ang pwede na’y hindi pwede, gawin ang nararapat, na ang pag-unlad ng Pilipinas ay sa Laguna magmumula”. (SEVEN LAKES PRESS CORPS)

Sunday, July 27, 2008

ESTABLISIMENTO, INIREKLAMO NG OSCA

San Pablo City – Nakasalalay ang kapalaran ng mga senior citizen ng lunsod na ito sa reklamong iniharap ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) sa piskalya laban sa isang Clinical Laboratory hinggil sa diumanong hindi pagkakaloob ng nasabing establisimento ng 20% discount sa mga customer na nakatatanda.

Ang usapin ay isinampa ni OSCA Chairman Ret. General Hilario Cornista batay sa sariling karanasan sa DBD Clinical Laboratory kung saan ay nabigong tuparin ang ipinag-uutos ng RA 9257 o Expanded Senior Citizen Act of 2003 partikular ang pagbibigay ng 20% discount sa mga nakatatanda sa mga produkto o serbisyong babayaran ng mga senior citizens.

Isinalaysay ni Cornista na kinailangan niya ang serbisyo ng naturang laboratoryo para sa kanyang urine culture test noong Hulyo 23 taong kasalukuyan, kanya rin aniyang napag-alaman na ang standard fee ay P650 at palibhasa’y masama ang pakiramdam ay ipinadala na lang niya sa kanyang may-bahay ang letter of authorization at ID bilang senior citizen upang makakuha ng discount.

Laking pagtataka ni Cornista nang marinig buhat sa kanyang maybahay na hindi ito pinahalagahan ng nasabing establisimento sa kabila na siya mismo ang pinuno ng mga senior citizen sa lunsod. Bilang patotoo ay ipinirisinta pa ng dating heneral ang resibo sa halagang P650 katunayang hindi siya napagkalooban ng diskwento.

Kasalukuyang pinag-aaralan pa ng piskalya ang nasabing reklamo upang determinahin kung may probable cause batay sa isinumiting counter affidavit mula sa inirereklamong laboratoryo. Inaabangan na ng mga samahan ng senior citizen sa lunsod ang kahihinatnan ng usapin sapagkat ito anila ay isang test case na susubok sa bisa ng RA 9257. (NANI CORTEZ)

MAXIMUM TOLERANCE SA CALABARZON KAUGNAY SA SONA

Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna – Police visibility ang ipaiiral ng Police Regional Office (PRO-4A) sa mga lalawigan ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) bilang paghahanda sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ngayong Lunes ayon sa napagkasunduan sa isinagawang command conference dito.

Bagama’t nakalagay sa red alert ang buong pwersa ng pulisya ay ipatutupad nila ang maximum tolerance sa mga magsasagawa ng protesta upang maihayag ang kanilang saloobin ngunit hindi sila mangingiming ipatupad ang batas sa mga nagpaplanong maghasik ng kaguluhan.

Kaugnay nito ay maglalagay ang pulisya ng mga check point sa mga istratihikong lugar lalo na sa mga daang papasok sa Metro Manila at pangangalagaan ang mga lugar na pagdarausan ng protesta upang masigurong hindi malalahukan ng mga armadong grupo.

Sinabi pa ng source na ayaw ipabanggit ang pangalan na partikular nilang tinitingnan ang mga liwasan sa San Pablo at Sta. Rosa City maging ang junction sa Crossing ng Lunsod ng Calamba, ngunit hindi dapat itong ikabahala ng mga maka-kaliwang grupo sapagkat ang mga unipormadong pulis na kanilang makikita ay nandoon lang upang mapangalagaan ang katahimikan ng rehiyon. (NANI CORTEZ)

Saturday, July 26, 2008

MAMANG PULIS AT PESO, NAGDAOS NG JOBS FAIR

Camp Vicente Lim, Calamba City - Dinumog ng maraming aplikante ang Mega Jobs Fair na itinaguyod ng Calabarzon PNP at lunsod na ito na nilahukan ng humigit kumulang na 40 kompanya buhat sa rehiyon at kamaynilaan kahapon.

Nagsimula ganap na 6:00 ng umaga at tumagal ng 3:00 hapon ang naturang jobs fair ay tinatayang nakaalalay sa mahigit isang libong aplikante na nagbuhat sa mga barangay sa paligid ng kampo sa lunsod na ito at mga karatig bayan ng Cabuyao, Sta. Rosa, Biñan, San Pedro at Los Baños kung saan marami ang agad na nakatagpo ng empleyo.

Ang proyekto ay kaugnay sa pagdiriwang ng PCR (Police Civil Relation) Month na pinangungunahan ni P/S Supt. Nestor Pastoral at mga Mamang Pulis sa rehiyon sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lunsod na kinatawan ni PESO (Public Employment Services Office) Chief Peter C. Capitan at buong staff.

Bago idaos ang jobs fair ay nakipagtalastasan na ang PCR sa mga komunidad upang masiguro ang tagumpay na makakamit ang target na bilang ng mga naghahanap ng trabaho, samantalang ang PESO ang nakipag-ugnayan sa mga kompanyang nagnanais mangalap ng mga manggagawa.

Kaugnay nito ay itinagubilin ni P/C Supt. Ricardo Padilla, Calabarzon PNP Chief, sa kanyang mga tauhan ang lubusang pakikiisa at pagtulong sa jobs fair upang maipamalas sa publiko na hindi lang nakatuon sa pangkatahimikang aspeto ang gawain ng mga Mamang Pulis. (NANI CORTEZ)

MAG-BARANGAY CHAIRMAN MUNA

Sa istraktura ng gobyerno ang pagkakaroon ng tatlong (3) sangay nito ay upang matamo ang maayos na pamamalakad ng pamamahala. Ang Executive ang nagpapatupad ng mga batas, samantalang ang Legislative ang gumagawa at nagbabalangkas ng batas at ang Judiciary naman ang nagsusuri sa mga batas sa kung ito ba ay naaayon sa ating konstitusyon.

Sa pambansang antas ay walang nakikitang problema ang pitak na ito sapagkat batid ng lahat ang tungkulin ng bawat isa na dapat gampanan. Kongreso at Senado ang bumabalangkas ng batas, ipinatutupad ng Tanggapan ng Pangulo ng republika at pinag-aaralan ng judiciary ang constitutionality nito sakaling may lumutang na katanungan. Iwan muna natin ang judiciary dahilan sa walang relasyon sa paksang ating tatalakayin.

Ang istrakturang mga nabanggit ay sinusunod din sa local level katulad ng Tanggapan ng Gobernador at Sangguniang Panlalawigan; Punong Lunsod at Sangguniang Panlunsod; at Municipal Mayor at Sangguniang Bayan. Klaro ang hiwalay nilang panunungkulan dahil may kanya-kanya silang papel na ginagampanan. Mga gobernador at mayor ang nagpapatupad ng batas samantalang mga sanggunian ang bumabalangkas.

Kung gagawi tayo pababa tungo sa mga barangay ay may kaunti pong kaibahan sapagkat sa mata ng batas ay “superman” ang wari sa mga barangay chairmen. Bagama’t may Sangguniang Barangay na binubuo ng mga kagawad at Sk Chair ay si Barangay Chairman din ang tumatayong Presiding Officer o tagapangulo sa paggawa ng batas, si Barangay Chairman rin ang magpapatupad at kadalasa’y may papel din sa pagtitimbang ng gusot na isinasampa sa Katarungang Pambarangay.

Ito marahil ang nasasaisip nina Vice-Mayor Martin Ilagan at Konsehal Gel Adriano na tila nais ding maging “superman” tulad ng ating mga barangay chairmen. May mga ulat tayong naririnig at mga reklamong tinatanggap buhat sa mga sidewalk vendors at mga tricycle drivers na umano’y ginigipit ng dalawa na nakaaapekto sa kanilang maliit na pagha-hanapbuhay. Batay sa mga sumbong ay naka-front pa sina Ilagan at Adriano upang mapaalis sila sa kanilang pwesto.

Ipinagpapauna ng pitak na ito na hindi tayo nangungunsinti kung talagang ang mga sidewalk vendors at tricycle drivers na ito ay nakagagambala sa nakararaming San Pableño, sapagkat nais ko lang linawin ay ang separation of Duties and Responsibilities ng ating mga halal na opisyal ng lunsod. (SANDY BELARMINO)

Sina Vice Mayor Ilagan at Konsehal Gel Adriano at lahat nilang kapwa Kagalang-galang ng Sangguniang Panlunsod ay ating inihalal bilang taga balangkas ng mga ordinansa, resolusyon at iba pang kautusan, no more no less!! Ito po ang limitasyon ng kanilang panunungkulan na malinaw na itinatadhana at isinasaad ng batas. Ang pakikirawraw nila sa gawain ng Alkalde ay tuwirang panghihimasok ng Legislative sa Executive Branch, na kung hindi man masasabing pagpapa-cute ay nag-aastang superman. Aba, eh mag-barangay chairman muna kayo upang maging superhero!!

May mga programa ng ipinatutupad ang alkalde upang higit na mapaunlad ang lunsod at ang pagpapa-cute nina Vice-Mayor Ilagan at Konsehal Adriano upang mapansin lang ay nakasisira bagkus na makatulong. (SANDY BELARMINO)

BRGY. SAN CRISTOBAL, MAY BAGONG IMAHE

San Pablo City – Bukod sa kasayahang naidulot ng isang linggong pestibal sa Brgy. San Cristobal, lunsod na ito, kaugnay sa ipinagdiwang na kapistahan noong Biyernes, Hulyo 25, ay nagawa rin nitong likhain ang pagkakaisa at pagsasama-sama ng mga residente na nagbihis sa dating imahe ng naturang lugar.

Ang pestibal na sinimulan noong Hulyo 19 ay kinapalooban ng gabi-gabing pagtatanghal tulad ng dance contest, singing contest, Battle of the Band, Ms. Gay Competition at Grand Concert na tumagal hanggang Hulyo 24. Ang araw ng kapistahan ay inihandog ng mga taga barangay bilang parangal sa kanilang Patrong San Cristobal sa pamamagitan ng prusisyon.

Sa pamumuno ni Chairman Benjamin “Benbong” M. Felismino II ay idinaos rin sa naturang barangay ang timpalak kalinisan sa pagitan ng pitong (7) purok na nasasakupan, na pawang nagwagi ayon sa hatol na inihayag ni Dr. Lucy Celino ng City Health Office, tanda ng pagkakaisa ng mga residente ng barangay.

Kauna-unahang nangyari sa naturang barangay ang sama-samang pagtataguyod ng isang layunin na isinulong ng barangay council. Nakisama ang lahat mula sa nakaririwasa hanggang sa karaniwang mamamayan sa hinahangad na katahimikan ng pamayanan, maging ang mga nagtatrabaho sa ibayong dagat kahit nasa malayo ay nakisama sa nasabing pagdiriwang.

Kabilang sa mga nakipagsaya sa kapistahan sina City Mayor Vicente B. Amante, City Administrator pangkabuhayan. (SANDY BELARMINO/7 Lakes Press Corps)Loreto “Amben” Amante, Vice-Mayor Martin Ilagan, Congresswoman Ivy Arago, pamunuan ng Liga ng mga Barangay at PCL President and Ex-Oficio Board Member Danny Yang.

Ikinatuwa ng mga residente ang bagong kaganapan sa lugar sapagkat ito anila ay nangangahulugan upang matiwasay na mabalangkas ang kanilang kalagayang pangkabuhayan. (SANDY BELARMINO)

Monday, July 21, 2008

THE WAY TO LOVING MATHEMATICS

Academicians are one in saying that Mathematics is the Queen of Sciences. Mathematics provides one of the more essential foundations of the learning process. It is indispensable tool in learning the concepts in the fields of science and commerce.

Mathematics is one of the subjects students are afraid of because they find it difficult to comprehend. Lack of interest in this subject and inadequate mathematical skills of the students are the major reasons why their mathematics performance are at low level. It certainly affects not just their academic performance, but also their potential to be great leaders of our country.

The result of 2003 Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) showed that students of the Philippines did not perform well in Mathematics, landing at the bottom together with the likes of South Africa, Ghana, and Botswana.

In order to resolve this academic crisis, the Department of Education in partnership with the Mathematics Teachers Association of the Philippines (MTAP) has come up with the tutorial program “THE MTAP-DEPED Saturday Mathematics Program”.

In the Division of San Pablo City, the MTAP-San Pablo Chapter is very active in helping the schools in improving the mathematics performance of their students. According to Christian Lloyd Tan, a 2008 MTAP Regional Champion (Level II) from San Pablo City Science High School, the program helped him a lot in exploring Mathematics and it improved his problem solving skills.

Last July 19, 2008, there was an MTAP fever in the Division of San Pablo City. There was an increased in the number of MTAP training centers and participants in public secondary schools. This indicates that more students are enjoying the program. It shows that the students and their parents believe in the effectiveness of the program in improving their mathematical skills. This also reveals that more students are beginning to enjoy and love Mathematics.(ALBERT T. SAUL/Math Teacher/San Pablo City Science High School)

ROBOT NG PILIPINONG IMBENTOR KAYANG SISIRIN ANG LUMUBOG NA BARKO

Los Baños, Laguna - Ligtas nang masasagot ang katanungang bumabalot sa lumubog na MV Princess of the Stars sa pamamagitan ng isang robot na gawa ng imbentor na Pilipino na may kakayanang sumisid at magsuri sa alin mang bahagi ng naturang barko.

Ang underwater robot na may gawad meritong pang teknolohiya mula sa Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD) ay may kakayanang tumagal ng tatlong oras sa 100 metro hanggang 1,000 metro na lalim ng karagatan, at angkop sa mga search and rescue operation o sa pagmo-monitor ng kalagayan sa loob o labas man ng barko.

Pinagagalaw sa pamamagitan ng remote control, ang robot ay may sangkap na video camera at sistema ng pagpapa-andar kung kaya’t nagagalugad ang nais makita at tuklasin habang ang kontroler nito ay pinanonood ang video footage na itinatala sa LCD screen.

Dinisenyo ni Michael Poblete at nabuo makalipas ang tatlong taon para sa pananaliksik ng PCAMRD, ang robot ay may kakayanan ding hanapin ang butas sa mga underwater pipeline upang malaman ang bahaging kukumpunihin para maiwasan ang chemical at oil spill.

Ang imbensyong ito ay may mga ilaw na pinaliliwanag ng rectifier, nagtataglay ng NTSC video output at makinang rocket-type na umaandar sa pamamagitan ng truck battery.

Sinabi ni Poblete na naisip niyang likhain ang naturang robot, na kanyang binansagang Angel One mula sa nangyaring Oil Spill sa Guimaras kung saan ay gumastos ang gobyerno ng P20 Milyong piso sa rental ng remotely-operated vehicle sa bansang Japan. (NANI CORTEZ)

Saturday, July 19, 2008

RESCUE

San Pablo City - At about 8:00 AM, July 17, 2008, a Representative of this station, SPO4 Rolando F. Guevarra , CESPO and Mr. Rolando Cabrera from Office of the Social Welfare and Development (OSWD) under the direct supervision of PSupt Joel C. Pernito, COP this station, guidance of Provincial Director Felipe L Rojas Jr and with the support of Mayor Vic Amante, proceeded to Brgy Oshero, Tugbok, Davao City and fetch one Mike Francis Buama, 17 yrs old, single of Brgy Brgy IV-A, this city. He was later reunited with his parents and relatives last July 18, 2008

As a backgrounder, Mike Francis Buama was abducted 8 months ago by one Dennis “Din-Din” Elliott, 24 yrs old, from Ormoc Leyte. Suspect disguised as a “Talent Scout” of a popular TV National Broadcast Talent show and has already lured several victims. Based on the testimony of the victim, the suspect’s scope of operation was nationwide recruiting/ victimizing would be talents particularly young male with pleasing personality and in exchange of a Talent fee.

The rescue of the victim was an off shoot of follow up operations initiated by San Pablo CPS in close coordination with other PNP units and DSWD. Both the suspect and victim have been tracked down after months of surveillance and during stop over in Davao City for two (2) weeks, Suspect and the victim were billeted at a local Hotel in Davao City but failed to pay there bills which caused them to be arrested but the suspect was able to manage to escape.

San Pablo City has already initiated the filing of Criminal Case (Swindling and Abduction) before the City’s Prosecutor’s Office docketed under IS # 07-755 dated 28 November 2007. (PNP-SAN PABLO CITY)

WALANG BAWAL SA WORKAHOLIC

Kapag likas ang sipag ng isang nilalang kahit may nararamdaman at iyong pagbawalang magpagod, kunti lang maramdamang bumubuti ang kalagayan ng kanyang kalusugan ay patagong kikilos upang gamitin ang pansamantalang kalakasan sa pagnanais na bawiin ang mga araw na para sa kanya’y nasayang. Ang tawag sa kanila’y “workaholic” sapagkat walang bawal sa kanila kung sariling katawan ang humihimok sa isipan na magtrabaho.

Sa nakita ng pitak na ito sa transpormasyon ng Barangay San Jose (Malamig) ay ganito humigit kumulang ang aking natuklasan, na labag man sa payo ng kanyang manggagamot na mag-rest at magpagaling ay walang inaaksayang panahon si ABC President Gener B. Amante sa mga pagkakataong bumubuti ang kanyang kalusugan.

Ang naturang barangay sa pakikipag-tulungan ng mga kagawad at mga opisyales nito kay ABC President Gener ay nakagawa ng isang malaking pagbabago sa kanilang lugar. Luminis ang barangay, lumiwanag kung gabi sanhi ng pagkakaroon ng ibayong katahimikan at higit sa lahat ay nagawang luntian ang kapaligiran. Itinatayo na rin ang kanilang pangalawang bagong Barangay Hall.

Ala eh, nakatawag pansin sa pitak na ito ang malawak na taniman ng sari-saring gulay sa Brgy. San Jose Malamig. Hindi ito dahilan sa ngayon lang tayo nakakita ng gulayan, hindi rin sa ngayon lang nakakita ng ganitong karaming pananim at lalong hindi na ngayon lang natin nalaman kung paano ito pinuputi. Ito ay sapagkat may istoryang napag-alaman si Kagawad Kawad na kaakibat ng mga nasabing pananim.

Palibhasa’y todo suporta ang mga kagawad sa kanya ay hindi miminsang inako ng mga ito ang trabahong pambarangay ni Pangulong Gener subalit laking pagtataka nila tuwina dahil makaraan lang ang bawat pag-uusap ay una pang naglilibot ang Brgy. Chairman Amante upang tingnan ang katahimikan ng kanyang barangay. Ngunit wala silang magawa kundi ang tumingin ng may kasamang pag-iling.

Ang tangi na lang nilang nagagawa kay Pangulo ay ang pagpapa-alaala sa payo ng doktor na huwag magtatrabaho at magpapagod, ngunit ang sadyang masipag ay palaging may handang katwiran, tulad nang makita si pangulo nina kagawad sa kanilang taniman ng gulay. “Pangulo silong na po tayo, nagsisimula nang tumindi ang sikat ng araw,” anang mga kagawad ng San Jose.

“Salamat”, ani pangulo “pero ramdam kong dito ako gumagaling”.

Kaya ba ito ng ibang kagalang-galang ng Sangguniang Panlunsod? Tanong lang po ito. (SANDY BELARMINO)

Friday, July 18, 2008

SPC SCIENCE HIGH SCHOOL INSTRUCTOR BAGS MOST OUTSTANDING TEACHER AWARD


San Pablo City – A mathematics instructor from San Pablo City Science High School (SPCSHS) is this year’s recipient of much coveted Most Outstanding Teacher Award conferred annually by Emerald Lions Club in recognition to the dedications of educators from public schools city wide.

Club President Pacita Ang Uy announced this school year’s winner Albert T. Saul, himself a product of public elementary school system, as worthy of the award for exemplary performance and truly deserving to the calling of the duties and responsibilities as a public school teacher.

Saul finished his elementary education at San Anton Elementary School, high school at Laguna College, both in San Pablo City and enhanced his talents at the University of the Philippines Los Baños (UPLB) where he graduated Bachelor of Science in Forest Products.

Upon leaving the state university, he had short teaching stints at Laguna College, Southville International School and main campus of San Pablo City National High School where he tutored wide ranging subjects on General Science, Earth Science Chemistry and Physics. It built him a strong foundation in the fields of mathematics wherein the loss of said schools became SPCSHS gain, where Saul is on his fourth year as a math teacher.

Saul is an exact image of what a teacher should be, a precious asset and a living testimony that formed part of a whole which uphold SPCSHS visions as premier science high school of the province. His contributions elevated it to be among the top 3 institution, general average wise, in the entire Calabarzon Region. (SANDY BELARMINO)

Thursday, July 17, 2008

SEGURIDAD SA CALABARZON, PAIIGTINGIN

Calamba City-Paiigtingin sa pamamagitan ng ugnayan ukol sa seguridad ang Calabarzon sa nakatakdang pagpupulong ng Regional Peace and Order Council (RPOC) sa lunsod na ito sa darating na lingo.

Ang pulong na unang idaraos mula nang italaga ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si City Mayor Joaquin Chipeco, Jr. bilang chairman ng RPOC noong Hulyo 3, ay tatalakayin ang kahalagahan ng palitan ng impormasyon sa larangan ng pagsugpo sa kriminalidad sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) Region IV-A.

Nakapaloob sa nasabing konsepto ang pagtutulungan ng 12 lunsod at bawat bayan ng mga naturang probinsya sa intelligence gathering and sharing laban sa mga masamang elementp ng lipunan particular ang mga organisadong grupo tulad ng gun for hire, carnappers, kidnap for ranson at iba pang kriminal na nag-o-operate sa rehiyon.

Sinabi ni Chipeco na bilang nangungunang rehiyon sa bansa kung populasyon ang isasaalang-alang, bukod pa sa pagiging sentro ng industriya at komersyo ay lubhang mahalaga ang pananatili ng katahimikan ditto upang lalo pang magtiwala ang mga foreign investors at sa kapanatagan na rin ng mga mamamayan.

Ito ang dahilan aniya kung kaya’t kinakailangang umisip ng pamamaraan ang RPOC sa tuwina upang makatiyak ng sustainable peace sa rehiyon para sa ibayo pang pag-unlad. (NANI CORTEZ)

HIGH YEILDING SEEDS, AGARANG TUGON NI REP. IVY ARAGO SA FOOD SECURITY

San Pablo City - Tatlong daang sako ng high grade certified palay seeds ang ipinamahagi sa 47 barangay ng Tanggapan ni Laguna 3rd District Rep. Ma. Evita R. Arago sa pakikipagtulungan ng Kagawaran sa Pagsasaka (DA) sa ilalim ng programa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa food security ng bansa dito kahapon ng umaga.

Ang binhi na may RC 128 variety ay dumaan sa pag-aaral ng DA at nasubok na ang katangian sa pagbibigay ng mataas na ani sa bawat ektarya ng lupang sakahan kung kaya’t isa itong katiyakan bilang tugon sa hinaing ng mga magsasaka sa ikatlong purok ng lalawigan..

Magugunitang lumitaw ang suliranin ukol sa mahinang ani sa pakikipag-talastasang isinagawa ni Cong. Arago sa delegasyon ng mga magsasaka ng ikatlong distrito nang nakaraang linggo, kasabay ng pagbibigay kahilingan sa mambabatas na iparating sa DA ang nasabing suliranin bilang kanilang kinatawan.

Ang paunang 300 sako ng RC 128 binhing kaloob ng DA ay ibinigay ni Arago sa bawat bayan at barangay sang-ayon sa lawak ng lupang pang-sakahan. Limang barangay sa Rizal ang tumanggap ng 30 sakong binhi; Liliw, 19 barangays, 95 sako; Calauan, 11 barangay, 55 sako; San Pablo City, 3 barangay, 30 sako; at Victoria, 9 na barangay, 90 sako ng binhi. Ang bayan ng Victoria ang pinakamalaking rice producer sa buong lalawigan.

May nakatakda pang dumating na binhing palay para sa mga bayan at barangay pang hindi natatapos ang anihan ayon na rin sa isinagawang representasyon ni Cong. Arago sa DA at bilang agarang tugon ng kanyang tanggapan sa suliraning idinulot ng nagdaang kakulangan ng pagkain. (SANDY BELARMINO)

Tuesday, July 15, 2008

PAB ng DENR, INAT-INAT!!!

San Pablo City - Hanggang ngayon ay nagtitiis pa rin ang mg taga Brgy. San Antonio Uno (Balanga) lunsod na ito at naghihintay ng pasiya ng Pollution Adjudication Board (PAB) ng DENR sa usapin ng naipasarang Clean Earth Solution INC. (CESI), isang kompanyang koreano na nagpu-proseso ng sari-saring factory waste buhat sa kamaynilaan.

Umapela ang CESI sa PAB subalit tila inupuan lang ng PAB habang nakatiwangwang ang mga dram ng iba’t-ibang kemikal na sa hinala ng mga taga barangay lalo na ng mga malapit na naninirahan sa ipinasarang kompanya ng mga toxic waste na nakakalason, dahil sa sang-sang ng amoy nito.

Nababahala na ang buong barangay sa magiging epekto nito sa kanilang kalusugan sapagkat marami sa mga dram ay nagsisimula ng mabulok at nasisira na. Malaking banta ito ngayong tag-ulan sapagkat ang lamang kemikal ay unti-unti nang umaapaw sa sisidlan at umaagos na tila gatas na sumasanip pailalim ng lupa na maaaring lumason sa posong pinagkukunan ng mga residente ng kanilang tubig na inumin.

May mga paglabag na ang CESI sa mga nakaraang panahon kung kaya’t makatwiran lang na ipasara ito ng DENR. Hindi kailanman naghahabol ang mga naninirahan sa naturang barangay na ito ang muling buksan sapagkat napagtanto na nila ang panganib sa kalusugan na dala ng pagsusunog sa mga chemical waste kung saan ay marami ang dumadaing ng pagsisikip ng hininga noong kasagsagan ng kanilang operasyon.

Kabilang sa mga kemikal na nakatiwangwang sa compound ng CESI ay ang nanggaling sa kanilang bodega sa lalawigan ng Quezon na sinira ng bagyong milenyo nang nakaraang taon. Inanod ng baha ang mga sisidlang kung kaya nabisto ng Tanggol Kalikasan ang illegal nilang pag-iimbak ng Chemical waste sa naturang lalawigan. Sa kautusan ni Cong. Proceso Alcala ay muling hinakot sa CESI compound ang mga nasabing kemikal. Sumasangsang na ang mga kemikal na ito lalo na sa dis-oras ng gabi.

Nananawagan ang mga taga Brgy. Balanga sa PAB na madaliin ang resolusyon ng kaso ng CESI. Ipinasara na ito ng DENR na mother agency ng PAB dahil sa paglabag sa ating environmental laws kaya;t ipinagtataka ng mga residente kung bakit kaya’y nagpapatumpik-tumpil pa at bakit hindi ito tuluyang ipinasara, upang pinal na maipag-utos na linisin ang mga kemikal o i-neutralize bago nila lisanin ang nasabing barangay.(NANI CORTEZ)

Sunday, July 13, 2008

NSO NAGSASAGAWA NG POVERTY SURVEY

San Pablo City - Magkasabay na isinasagawa ng National Statistics Office (NSO) ang malawakang Annual Poverty Indicators Surveys (APIS) at Labor Force Survey (LFS) upang makuha ang datos na gagamitin ng gobyerno sa pag-aaral para sa higit pang ika-uunlad ng bansa.

Layunin ng mga naturang survey ang makalap ang wastong impormasyon na may kinalaman sa iba’t-ibang non-income indicators kaugnay sa kahirapan katulad ng pagkakaroon ng isang pamilya ng sariling tahanan, may pinagkukunan ng potable drinking water, energized na tirahan at pangkalusugang pangangailangan tulad ng malinis na palikuran.

Sakop din ng pag-aaral kung ilan sa miyembro ng pamilya na edad 18 taon pataas ang may pinagkakakitaang hanapbuhay at pagitan ng anim hanggang 16 na taong gulang ang pumapasok pa sa mga paaralan. Nakapaloob din dito ang pagtaya kung ilang pamilya ang may kakayanang tustusan ang kanilang pangunahing pangangailangan upang maayos na makapamuhay.

Mahalaga ang mga tala na makakalap sapagkat ito ang gumigiya sa pamahalaan sa pagpapatupad ng mga polisiyang nauukol sa kaunlaran ng bawat mamamayan.

Dahil dito ay hiniling ni NSO Regional Director Rosalinda P. Bautista sa publiko na makipagtulungan sa kanilang itatalagang tauhan sa field upang makatiyak na tama at wastong datos ang kanilang maitatala.

Ang survey ay inaasahang magtatapos sa katapusan ng Hulyo, taong kasalukuyan. (NANI CORTEZ/SANDY BELARMINO)

PCL, SOLIDO ANG TIWALA KAY YANG

Bay, Laguna - Nananatiling solido ang tiwala ng Philippine Councilor League (PCL) Laguna Chapter sa kanilang pangulo batay sa mga nagpahalaga sa isinagawang pagpupulong na ginanap sa Casa de Padrid bayang ito na dinaluhan ng siyam na Bise-alkalde, mayorya ng opisyal at karamihang miyembro ng nasabing liga nang nakaraang linggo.

Nagpakita rin ng suporta sina Provincial Adminstrator Dennis Lazaro, OIC-Gov. Ramil Hernandez at OIC Vice-Gov. Karen C. Agapay na kapwa mga dating konsehal bago nahalal sa kanilang tungkulin, sa liderato ni PCL President Danny Yang.

Ito ay sa kabila ng agam-agam sa planong recall ng ilang kasamahang tinagurian ni Yang na kalawang na siyang sumisira sa pagkakaisa ng liga, mga kapwa konsehal na kaya aniya nagkaroon ng masidhing balakin ay sapagkat hindi napagbigyan sa kagustuhan para sa kanilang pansariling kapakinabangan.

Hindi ito ang una ayon pa kay Yang na masalang sa balag ng alanganin kung saan dahil sa ginawa niyang paniningdigan ay nakatatanggap ng death threat, katulad ng alalayan niya ang mga konsehal ng Rizal sa paghabol sa buwis ng naturang bayan kaugnay sa STL operation.

Naging positibo ang nasabing hakbangin sapagkat pumasok sa kabang yaman ng bayan ang buwis sa STL operation, subalit may siyam na bayan pa ang hindi nakatatanggap ng kanilang share mula sa STL, na hinahabol ni Yang sa kasalukuyan. May kinalaman ito ayon pa sa PCL President sa bulong-bulungan ng recall sa kanyang tungkulin.

Panghuli ay ibinunyag ni Yang na isang blackmail ang planong recall dahil sa hindi niya pagsang-ayon sa P150 Milyong pisong land deal sa kung saan ay ipinaglalaban niya ang kapakanan ng mga naninirahan sa gilid ng nasabing lupain, at over priced proposal ng isang travel agency na pinapadrino ng isang konsehal. (seven lakes press corps)

35-HECTARE MAN-MADE LAKE PROJECT, TINUTUTULAN SA LAGUNA

Los Baños, Laguna - Mariing tinututulan ng isang mambabatas sa Sangguniang Panlalawigan ang planong paglikha ng kompanyang ETON CITY ng 35-hectare man-made lake bilang centerpiece sa itatayong South Lake Village na matatagpuan sa humigit kumulang na 1,000 ektaryang lupain sa Lunsod ng Sta. Rosa.

Sa privilege speech na binigkas ni BM Rolando Bagnes ng ikalawang distrito ay kanyang kinuwestyon ang kakaibang amenities na ipinanghahalina ng naturang subdibisyon kung saan magiging bahagi nito ang artificial lake na lumalabag sa Comprehensive Land Use Plan ng nasabing lunsod.

Ikinabahala ni Bagnes ang katotohanang kabilang ang lalawigan sa mga lugar na magdaranas ng kakulangan ng tubig pagsapit ng 2025 na batay sa pag-aaral ng mga eksperto, at ang paglikha sa man-made lake ay kukumsumo ng humigit kumulang ng kalahating milyong metro kubiko ng tubig na magpapadali sa maagang kakapusan nito.

Nakaaalarma na ang sitwasyon natin sa kasalatan sa tubig sapagkat patuloy na nauubos ang ating underground water, lumulubha ang ating pangangailangan dahil sa pagsulong, lumalawak na pamayanan at industriyalisasyon, bukod pa sa malaking bahagi ng pangangailangan ng irigasyon. Ang sektor ng agrikultura aniya ay ginagamit ang 70% ng tubig sa ating paligid sa ngayon.

“What will happen now, if this precious resource is diverted to a non-traditional use such as making an artificial lake so that the rich and the powerful shall enjoy the luxury of a refreshing lake environment?

Nanawagan pa si Bagnes sa mga Lagunense ng pagkilos, ng pagiging mulat sa pagma-matyag at maging handa sa maaaring sapitin ng lalawigan kung matutuloy ang proyektong man-made lake, na mangunguhulugan aniya ng depleted underground water resources. “What will happen to our children if our wells run dry and there is not a single drop of potable water for drinking?”. (NANI CORTEZ)

Saturday, July 12, 2008

KABUHAYAN BUHAT SA KAWAYAN NG LLDA

San Pablo City – Isang power-point lecture na may pangkabuhayang paksa ang personal na isinagawa ni Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager Edgardo C. Manda na ang konsepto ay pagpaparami ng punong kawayan upang malabanan ang lumalalang global warming, sa harap ng mga bagong opisyal ng Seven Lakes Integrated Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) kahapon sa lunsod na ito.

Ang lecture na dinaluhan rin nina City Mayor Vicente B. Amante at Rizal Mayor Rolen Urriquia ang tumatalakay sa siyensya ng pagpapatubo ng kawayan, wastong pag-aalaga at mga pakinabang na makukuha dito mula sa pinakamaliit na pagsasangkapan hanggang sa mahalagang papel nito sa kalikasan at reporestasyon ng bansa.

Ayon kay Manda, ang kawayan palibhasa ay isang uri ng damo ay madaling buhayin katunayan aniya ay tumutubo na ito tatlong linggo makaraang itanim, at tatlong buwan ay may mga ready buyers nang landscapers at ornamental plants dealers.

Hinikayat ni Manda ang FARMC na humanap ng gagawing nursery upang makapag-punla ng maramihan at nagbigay katiyakan na bibilhin ng LLDA ang bawat seedlings na mapalalago ng samahan upang itanim sa mga kalbong bundok ng bansa panlaban sa global warming.

Ipinag-utos ni Mayor Amante sa kanyang city agriculturist na alalayan ang FARMC sa bamboo propagation upang magkaroon ang mga ito ng karagdagang kita bukod sa pangingisda sa pitong lawa ng lunsod. (NANI CORTEZ)

Friday, July 11, 2008

10% SALARY INCREASE

Retroactive mula July 1 ay ipatutupad na ang ten percent salary increase sa mga permanent employees ng lunsod na kahit paano’y pandagdag upang makatugon ang mga kawani sa lumulubong presyo ng mga pangunahing bilihin. Maaaring kulang subalit ang sampung porsientong umento sa basic salary ay marami-rami na ring mabibili sa ating pamilihan.

Ito ang pangalawang umento na tatanggapin ng mga empleyado’t manggagawa sa lokal na pamahalaan, ngunit sana ay matanto natin na hindi ito parang kabuti na kapag nagkukulog at nagkikidlat sa tag-ulan ay basta tutubo na lamang. May mga proseso itong pinagdadaanan sabihin mang ito’y may pambansang kautusan. Dapat din nating maunawaan sa kung paano ninyo natanggap ang una at paano tatanggapin ang pangalawa.

Naka-dokumento ang lahat at kung susundan ang paper trail ay ganito ang kalalabasan. Ang panimula ay nang nag-certify as urgent ang Punong Lunsod Vicente B. Amante sa isang ordinansa/resolusyon upang maipatupad ang increase sa mga manggagawa sa lokal na pamahalaan. Pinag-uusapan ito sa Sangguniang Panlunsod at kanilang pinagtitibay. (May mga nag-boycot pa nga raw, hindi ko lang alam kung sino-sino? Bahala na kayong tumingin sa record.) So, kung approve na ay maaari nang ipatupad.

Samakatuwid ay alam ni Mayor Amante ang inyong pangangailangan, batid din ni Vice-Mayor at unawa rin ng mga konsehales na bumoto upang magkaroon kayo ng increase (kung sino-sino ang bumoto at sino ang mga nag-disappear ay bahala na ulit kayong magsaliksik). Napapanahon at umakma ang dating sa tamang panahon.

Sa increase na inyong tatanggapin ay marami kayong dapat pasalamatan. Bukod kina Mayor Amante, Vice-Mayor at matitinong konsehales ay dapat din kayong magpasalamat sa sambayanang San Pableño dahil nagbuhat sa kanila ang biyayang inyong tatanggapin. Marahil ay marapat lang itanong ay kung deserving ba kayong lahat sa umento. Nakapaglingkod ba ako ng mahusay sa aking mga kababayan? Hindi ba ako sobrang nagsungit at patuloy na nagsusungit sa mga indigents, opisyales ng mga barangay at sa maliliit natin mga kawani?? Ito po ang una ninyong itanong sa inyong sarili.

Kung pumasa kayo sa mga katanungan ay muli ninyong tandisin ang inyong kalooban. Kaya ko ba naming mag-increase rin ng output in the name of public service? Kaya ko ba namang dahil sa increase ay ngumiti naman sa aking mga kababayang pinaglilingkuran? At kaya ko ba naman mag-exert ng effort (dahil sa increase) na magmalasakit sa mga San Pableño?

Kung kaya ninyo ay sige goodluck, para next year ay mapagkalooban kayong muli ng umento sa sahod. (SANDY BELARMINO)

Monday, July 7, 2008

PGMA, IPINAG-UTOS NA KALINGAIN ANG MGA NASALANTA SA REHIYON

Camp Vicente Lim - Tumuon sa pagbabangon ng pangkabuhayang kalagayan at pagpapakumpuni sa mga nasirang tahanan ng mga biktima sanhi ng bagyong Frank ang naging buod ng pagbisita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, makaraang malaman sa Regional Disaster Coordinating Council (RDCC 4A) ang lawak ng pinsalang idinulot ng naturang kalamidad sa rehiyon.

Nabatid ng pangulo batay sa briefing na isinagawa ni P/C Supt. Ricardo Padilla, Calabarzon PNP Chief, at tagapangasiwa ng RDCC 4A na sa 12 siyudad at 130 minisipalidad ng rehiyon ay 10 lunsod at 73 munisipyo ang naging apektado na kinapapalooban ng 998 barangay, 104,406 pamilya o 512,656 katao kung saan 37 ang nasaktan, 17 ang nasawi at dalawa ang nawawala pa sa kasalukuyan.

Ang pinsala sa agrikultura ay P448 milyon at sa mga inprastraktura ay P22 Bilyong piso. Malaking bahagi ng rehiyon ang apektado subalit ang maagap na pagkilos ng mga lokal na pamahalaan at mga ahensya sa ilalim ng RDCC 4A ay naging malaking tulong upang maibsan ang naranasang hirap ng mga biktima, tulad ng pagkakaligtas sa 28 pasahero ng lumubog na MV Princess of the Stars sa baybayin ng Quezon.

Kasalukuyang tinutugunan na ng Kagawaran ng Pagsasaka at DPWH ang mga naturang suliranin.

Nakatawag pansin sa pangulo ang kalalagayan ng mga mangingisda sa Infanta, Quezon, kung saan 50,000 pamilya ang naapektuhan ng bagyong nagdaan. Dahil dito ay agaran niyang ipinag-utos sa BFAR (Bureau of Fisheries & Aquatic Resources) ang pamamahagi ng lambat at bangka upang ang mga ito ay madaling makabangon.

Tinagubilinan rin ng pangulo ang Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) na madaliin ang pag-aaral sa lupang sakop nito na posibleng pagtayuan ng mga permanenteng tahanan na mapaglilikasan ng mga pamilyang nawalan ng tahanan.

Pumangalawa sa Quezon ang Cavite sa dami ng pamilyang napinsala ng bagyong Frank na may 40,645, Laguna 7,157, Rizal 3,855 at Batangas 2,523. (NANI CORTEZ)

Sunday, July 6, 2008

PITO-PITO PARA SA PITONG LAWA

San Pablo City – Inilunsad noong Biyernes ang isang kilusan ng mga socio at samahang sibiko na ang layunin ay makapangalap ng pitong milyong piso sa nalolooban ng pitong buwan para sa development projects ng Lingap sa Pitong Lawa Foundation sa lunsod na ito.

Pangungunahan ng Atikha Overseas Workers and Community Initiative Ins. (AOWCII) ang naturang proyekto at ang matitipong pondo ayon kay Marga Roman, marketing director ng Coco Natur OFW Producer Cooperative na sa ilalim ng AOWCII ang gagawing panustos sa pagsusulong ng Entrepreneurship, Education, Environmental Protection at Eco-Tourism (4E) para sa mga magiging benepisyaryo.

Nakapaloob sa konsepto ng proyekto dugtong pa ni Roman ang pagbabayanihan ng mga San Pableño partikular ang mga nagtatrabaho sa ibayong dagat at mga nanatili sa lunsod na kapwa may malasakit sa mga dukhang residente ng lunsod. Pangunahing layunin nito ang maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga kapus-palad.

Magsasanib ang Lingap sa Pitong Lawa Foundation at Seven Lakes International sa pangangalap ng isang milyong piso kada buwan na inaasahang magtatapos sa Enero, 2009. Ang coordinating office ng proyekto ay matatagpuan sa SPC Women, Family and OFW Center na ipinatayo ng pamahalaang lunsod para sa mga kahalintulad na adbokasiya. (NANI CORTEZ/SANDY BELARMINO)

Saturday, July 5, 2008

PAROLE AND PROBATION OFFICE 32 YEARS IN SERVICE

Parole and Probation Office (PPO) is a bureau under the Department of Justice. Spread all over the country, its offices have the primary task as its name connotes to supervise and oversee the rehabilitation of parolees and probationers. Parolees are convicted individuals released from prison after serving the minimum period of their sentence. Probationers are those first offenders whose conviction the penalty did not exceed six years. Both were released to give them chance to reform and become free men again under certain conditions they have to observe.

The Parole and Probation Office sees to it that they observe these conditions and it implements also program geared to assist these parolees and probationers economically, psychologically and morally. The programs consist of creating a new paradigm in their life outlook to enable these individuals who are again assimilated to the community to realize that they are still worthy of respect as a human being, they can still be productive and useful citizen of the country.

These gargantuan tasks in subtle anonymity, the Parole and Probation office exert utmost effort to effectively and efficiently perform. The mettle of the parole and probation officers is often tested because they constantly have to entertain various individuals of various idiosyncrasies. People often expect miracle from and treated them like super person who can solve problem at a flick of a finger.

In San Pablo City district covering the towns of Nagcarlan, Rizal, Alaminos and the City of San Pablo in the province of Laguna in Region IV under Director Corazon Ocampo the PPO office is headed by a very hard working and low key multi awarded Chief Parole and Probation Officer in the person of Ms. Yolanda Deangkinay. She is ably assisted by Parole and Probation Officers Thelma Olazo , Lynn Mitra and Abigail Cariquitan with some help from the casual employees provided by the local government Brenda Adona and June Juliano.

The sheer number of parolee and probationer under their ward is daunting. Every one has to be personally investigated and supervised. They have to be visited in their own homes. Neighbors and the Barangay Officials are interviewed in preparation to periodical assessment and report. The territorial size of the district is already intimidating. There are places not accessible to public transport. The probation officers with the office meager resources at their disposal have to travel on foot. Occasionally they rubbed elbows unknowingly with local goons, hiding criminals or communist rebels. Their lives are constantly at stake. It is sheer dedication to the nobility of service that keeps them going.

To augment their manpower the Parole and Probation Office conceived the idea of tapping the services of kind hearted and responsible volunteers in their area of responsibility. These are selected individual trained to perform some of the jobs of the officers. Volunteers are headed by Ms. Jocelyn “ Joy” Gonzales the elected President. Among the members are PPO Volunteers Ricardo Manalo, Danny Acejo, Jun Dichoso, Juanito Consignado, Edwin del Carmen, Mike Vita, Julius Panganiban, Ms. Violy de Mesa, and Tet Sumague to name a few.

Truly for 32 years the Parole and Probation Office and its dedicated personnel have withered the challenges for their existence and the office has evolved strongly in the service of less fortunate individual who became victims of multifaceted morbid phenomenon .The idealism never wane and will continue until its mission accomplished and the vision is in place. May your tribe increased and best wishes for your 32 anniversary PAROLE AND PROBATION OFFICE. (Sandy Belarmino/7 Lakes Press Corps)

Thursday, July 3, 2008

SOME INDULGE "FRANK", SOME PROVIDED THE PATH

With damaged property amounting several billions of pesos and claiming thousand of lives, its been a week since typhoon Frank exited Philippine area of responsibility (AOR), yet the count is far from over and its ill effects continue to bloat the already swollen statistics of NDCC (National Disaster Coordinating Council), as more delayed reports file up from remote and inaccessible barangay of the country.

While “Frank” was just an ordinary typhoon, only one amongst the numerous that come and go one AOR, it however left me an enormous havocs unimaginable which was for graver than those much stronger cyclones that preceded him. It stormed us to think as it left a lesson which despite being a natural calamity, man was a factor for the aggravated devastation it had made. It was a lesson all of us understand but won’t heed to comprehend, a lesson heralds by the environment but we refuse to listen and a lesson from unwritten law of nature we failed to read.

Much had been lectured about global warming caused by dumping of tons and tons of gaseous garbage to the atmosphere that even science pupils of kindergarten schools can clearly explain. It aggravated our sufferings as we ignore both extreme climate condition it brings on planet Earth. Fair and square it made its presence felt in USA, China, Japan, Europe and every industrialized countries of the world which incidentally are the greatest contributors to global warming. It gave the drought, flooding, cyclones and related calamities they have never experienced before.

While “Frank” in term of gustiness would normally just give every Filipino sound sleep it unusually surprised us to give nightmares, this as our environmental policy makers were remiss on their homework. Their irresponsibilities denied us firmer wind breakers a forested mountain would normally do, much so they allowed man’s intervention on our ecosystem which need to hold flood waters in its confine. Wind gustiness get stronger, created open seas giant waves that hit coastal villages while rains on our mountains and hills built pressures as rampaging floods on low-lying area.

While NDCC has yet to reach the peak of its relief operations, many government agencies, to surely include DENR, are awaiting at the sidelines for the condition to subside. This is so as not to prejudice numerous logging permits they have approved and mining licenses they have issued in disguise of propping-up the economy.

The end will not justify the means. While the profit in these operations are great, the losses in the long run are much greater as shown by “Frank” salvo that gave it all. Its not nature’s wrath but man’s indifference towards environment. Its we, man, whom indulge “Frank” larger grounds and pamper him to the path if our being to destruction.(NANI CORTEZ)

LAGUNA PRODUCTS SA LUZON OTOP TRADE FAIR

Calamba City – Kabilang ang mga produktong gawa sa Laguna sa apat na pung (40) entrepreneurs ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na itatanghal sa OTOP (One Town One Product) Luzon Islands Trade na nakatakdang idaos sa SM Megatrade Hall sa darating na Hulyo 9-13.

Ang limang araw na trade fair ayon kay DTI Calabarzon Regional Director Marilou Quinco-Toledo ay may temang Treasures of Luzon Islands, na katatampukan ng mga yaring gawa ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) kaalinsabay sa pagdiriwang ng MSME week sa buong kapuluan.

Makikipagpaligsahan sa exhibit hall ang produktong yari ng Ai-she Footwear (Liliw), Kutitap Aromatherapy Crafts (candles and essential aromatic oils), Aleng Nene Buko Pie and Puto Biñan Delicacies, Ceblamo Buedeng Lumban, Jody Footwear, Ang Tindahan ng Itlog ni Kuya, Cabrera wood based products at Los Baños Folta Tropica (ornamental plants at organic fertilizer), laban sa mga produktong nagbuhat sa iba’t-ibang rehiyon ng Luzon.

Sa nalolooban ng trade fair ay magkakaroon ng libreng briefing session para sa entrepreneurship, paglulunsad ng mga bagong inisyatibo sa MSME at paggagawad ng “Outstanding MSME” at pagkilala sa mga magwawagi ng Masigasig Award. (NANI CORTEZ)
“PAG NUTRITION, POPCOM” – Ngayon buwan ng Hulyo ay ipinagdiriwang natin ang Nutrition Month. Ano ba ang ibig ipakahulugan nito at ano ang kahalagahan ng POPCOM na siyang tanggapang nangangalaga dito? Sa paanong paraan sila nakatutulong sa sambayanang San Pableño? Ano ang tungkulin ni Popcom Chief Vic Mercado?

Himayin natin ang mga katanungang nabanggit sa pamamagitan ng katanungan din na kung ano ang mangyayari sa isang indibidwal kung puro carbohydrates ang kanyang kakainin? Pinaka-mababa dito ay ang posibilidad na siya ay maging butusin sapagkat hindi naging balance ang sustansyang pumapasok sa kanyang katawan.

Ganito rin ang epekto sa tao kung palaging junk foods ang kinakain ng isang tao partikular ang mga batas na may balance diet na talagang idinesenyo upang maging bahagi ng kanyang eating habits. Ito ang tungkulin ng Popcom na masusing binabantayan ni Popcom Head Vic Mercado. Sabi nga nila noong mga nakaraang taon na “Kumain ng Right, Upang maging Bright!”

“SOSYAL NA KALAGAYAN PARA SA OSWD”- Kung sosyal na kapakanan naman ng mga bata, mga may kapansanan at mga biktima ng pang-abuso ay sagot na ng Office of Social Welfare and Development (OSWD). Maingat itong itinataguyod nina Grace Adap at mga masisipag niyang kasamahan.

May direkta silang pananagutan sa mga street children na naglipana kung saan-saan. Sila ang umiisip ng mga paraan upang maipaunawa sa kanila ang tamang landas para sa magandang bukas. Nagsisilbi silang giya upang ang mga kabataang ito ay hindi mangaligaw na kahalintulad ng kawang pinangangalagaan ng pastol.

Ganyan din ang kanilang mandato sa mga may kapansanan at biktima ng pang-aabuso. Binibigyan nila ito ng lakas ng loob upang mabanaagan ang tunay na kulay ng buhay. Wala masyadong pumapansin sa kanilang tanggapan ngunit sa angkop na pagkakataon ay doon lang makikilala ang kanilang kahalagahan. Para sa mga nangangailangan ng tulong ang pasasalamat ay hanggang doon na lamang.

“PANGKALAHATANG KALUSUGAN, ABA KAY DR. JOB NA YAN” - Ito ay sapagkat ang City Health Office (CHO) sa pamamahala ni Dr. Job Brion ang naatasang mangalaga sa kalusugan ng mga San Pableño, maging sila man ay bata o matanda, may sakit o wala – dahil ang CHO ang higit na nagpapahalaga sa preventive measures upang makatiyak na walang sasapit na epidemya.

Ang kanilang tungkulin ay hindi lamang limitado sa mga nabanggit dahil upang masiguro na maitataguyod ang kalusugan ng buong komunidad ay aktibo sila sa pagsusuri at pananaliksik upang mabatid ang mga negosyong lumalabag sa health code ng lunsod. Ang mga tindahan, restaurant, turo-turong kainan at iba pang kahalintulad na establisimyento ay kanilang sinisiyasat bago mabigyan ng permit to operate.

May kakaiba rin silang tungkulin tulad ng sa mga uri ng nocturnal business na beer houses at karaoke bars. Ipinasasara nila ang mga hindi kumukuha ng health permit. Sakop din nila ang operasyon ng mga punerarya, libingan at marami pang iba na maaring panggalingan ng mga sakit na nakakahawa.

Ang CHO sa pag-aakala ng marami na walang ginagawa kung walang pasyente ay nagkakamali sapagka’t ang isa pang tungkulin ng kanilang tanggapan hangga’t maaari ay huwag pahintulutan ang mga virus na makadapo kaninuman upang maiwasan ang karamdaman. (SANDY BELARMINO)

HULYO, BUWAN NG NUTRISYON


San Pablo City - Inihudyat na sa pamamagitan ng isang payak na palatuntunan na sinundan ng parada ang panimulang yugto sa pagdiriwang ng ika-34 na Nutrition Month sa lunsod na ito, kaalinsabay ng buong bansa noong Martes, Hulyo 1.

Sa temang SA WASTONG NUTRISYON NI MOMMY SIGURADONG HEALTHY SI BABY ay pinangunahan ng POPCOM ang nasabing pagdiriwang na nilahukan ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Health Workers (BHW), pakikiisa ng Office of Social Welfare Development (OSWD) at City Health Office (CHO), na ang pawang layunin ay maitampok ang kahalagahan ng tamang pagkain sa ikapagtatamo ng wastong kalusugan.

Sang-ayon kay G. Victoriano A. Mercado, Hepe ng Popcom, ay maglulunsad sila ng programa upang hikayatin ang maraming ina ng tahanan na daluhan ang mga pagsasanay na isinasagawa ng kanilang mga BNS sa bawat barangay upang higit nilang matutunan ang balance diet at tamang nutrisyong kinakailangan ng kanilang mga anak. At sa darating na Hulyo 23 at 24 ay muling gaganapin ang Popcom’s Drawing Contest at Nutrition Quiz para sa mga lalahok na elementary students ng lunsod at ang paligsahang ito ay gaganapin sa Lion’s Clubhouse na nasa Dagatan Blvd., Lunsod ng San Pablo

Kada taon dugtong pa ni Mercado ay nagdaraos sila ng Essay Writing Contest para sa mga mag-aaral sa elementarya at high school sa lunsod sa hangaring maikintal sa mga kabataan ang importansya ng nutrisyon sa buhay ng tao.

Sa ilang taong nakalipas, ang mga BNS sa lunsod na ito ay isa sa mga palagiang nangunguna sa rehiyon ng Calabarzon kung performance ang pag-uusapan. (SANDY BELARMINO)