Sa pagbubukas ng klase sa Hunyo ay maglalabasang muli ang mga suliranin ng ating mga paaralan mula sa kakapusan ng mga silid aralan, titser hanggang sa hindi pagsunod ng mga kinauukulan sa bawat school sa paniningil ng mga bayaring ipinagbabawal ng DepEd.
Ang mga usaping ito ay karaniwang nangyayari ngunit ito’y doon lamang sa national level na sa bawat taon ay paulit-ulit na lamang. Sa panahong nagdaan ay ito’y palala at parang wala nang kalutasan na wari’y ang pagbibigay pansin upang maresolba ay ang pamamaraang patapal-tapal na lamang. Ika nga’y solving the problem as they come.
Sa puntong ito ay mayroon tayong dapat ipagpasalamat kay Dr. Ester Lozada at sa lahat na sa kanila sa Division of City Schools sapagka’t ang nangyayari sa buong bansa ay hindi natin nararanasan dito sa San Pablo. At kung meron man ay nalulunasan na nila bago ito maging ganap na suliranin, with precision ay na-a-anticipate nila ang sana’y magiging problema. Congrats po mga mam and sir!! Lagi pong nasa likod ninyo ang Seven Lakes Press Corps.
Hindi matatawaran ang papel ng lokal na pamahalaan kung bakit hindi natin nararanasan ang sinasapit ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang panig ng bansa sapagkat ang lubusan nilang pakikipagtulungan sa kagawaran ay malaking tulong upang mabigyan ng puwang ang bawat suliranin.
Masasabing ang pagiging pro-active ni Mayor Vicente B. Amante ay susi sa mga siwang na maaaring pagdaanan ng mga problema ng ating mga mag-aaral, guro at pati ng mga magulang sa tuwing magsisimula ang pasukan. Alam ni Mayor Amante ang dapat gawin at bago pa man umamba ang problema ay nabibigyan na niya ito ng solusyon.
Wala kay Mayor Vic ang tinatawag na pauyuhan na tulad sa Metro Manila na dapat pondo ng national government ang gagamitin sa pagre-repair ng mga eskwelahan. Para sa kanya ay pareho lang ang DepEd budget at local budget, na pinanggagalingan ng problema sa ibang lugar ng bansa. Kapag hindi na dumating ang budget ng DepEd ay magtitiis ang mga mag-aaral sa tumutulong bubungan kapag umuulan?
Sa inisyatiba ni Mayor Amante nalulutas ng agaran ang mga kaparehong problema. After all ay mga kabataang San Pableño ang makikinabang. Maraming Salamat po Mayor Vic Amante. (SANDY BELARMINO)
Friday, May 16, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment