
Naging kaisa at kabalikat ng Lunsod ng San Pablo ang lokal na pamahalaan ng Santa Rosa City sa isinasagawang pagdiriwang ng ika-68 taong pagkakatatag ng San Pablo bilang isang siyudad. Lumahok ang Lunsod ng Santa Rosa sa mga exhibition games (volleyball) bilang pagpapakita ng pakikiisa ng pamunuan ni Mayor Arlene Arcillas-Nazareno sa Administrasyon ni San Pablo City Mayor Vicente B. Amante. Nasa larawan ang delegasyon ng Sta. Rosa nang ang mga ito’y mag-courtesy call kay Alkalde Amante. (SANDY BELARMINO/7LPC)
No comments:
Post a Comment