Si DZXL Correspondent Nelson Dimapilis habang kinakapanayam ang bagong talagang Laguna BJMP Provincial Jail Administrator Jail/Supt. Randel Latoza. Nasa larawan din ang bagong tayong Calamba City Jail na ipinagawa ni City Mayor Joaquin Chipeco katabi ng 4-storey PDEA-BJMP Regional Jail na inaasahang tutugon sa suliranin sa kakulangan sa pasilidad ng piitan sa naturang lunsod at nakatakdang pangasiwaan ni J/Supt. Latoza.
Calamba City – Matatapos na ang konstruksyon ng city jail na ipinagawa ng lokal na pamahalaan na magpapabuti sa kalagayan ng mga inmates sa rehiyunal na piitan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lunsod na ito
Inaasahang magdudulot ng kaluwagan ang naturang city jail sa rehiyunal na bilangguan sa sandaling maging ganap na operasyunal sapagkat 200 bilanggo buhat sa 591 nakapiit doon ang posibleng ilipat at ibubukod sa mga inmates na sangkot sa mga high profile cases tulad sa droga at iba pang krimen na non-bailable offense.
Nangako pa ng suporta si Mayor Joaquin Chipeco sa pamunuan ng BJMP at inihayag ang kahandaan ng kanyang liderato upang higit pang maisaayos ang pasilidad ng bagong city jail.
Kaugnay sa kaganapang ito ay sinimulan na ni Jail/Supt. Randel Latoza, Provincial Jail Administrator, ang pagsusulong ng mga programa sa ikatitiwasay ng BJMP Jail sa buong lalawigan partikular ang pagpapasunod ng wastong disiplina, pagkakaloob ng mga skill at iba pang kaalaman sa kapakinabangan ng mga inmates samantalang hinihintay ang resolusyon ng kanilang mga usapin.
Nakikipag-ugnayan na si Latoza sa mga educational institution, religious sector at mga samahang sibiko na posibleng magbigay pagsasanay sa mga bilanggo bilang bahagi ng kanilang rehabilitasyon tungo sa pagbabago. (NANI CORTEZ)

No comments:
Post a Comment