Tuesday, May 27, 2008

FORUM ON COOP TAXATION, ISINAKATUPARAN NG CCO


Ang mga kinatawan ng Bureau of Internal Revenue na sina Catherine Villanueva, Arnel Cosinas at Letty Mallari kasama ang mga opisyales ng Saint Paul Cooperative Union at mga kawani ng City Cooperatives Office matapos ang Forum on Coop Taxation na ginanap kamakailan. (Sandy Belarmino/7LPC)


San Pablo City - Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga proyekto at programa na tutulong sa pagpapaunlad ng komunidad particular ang sektor ng kooperatiba sa lunsod na ito. Sa pamumuno ni Punong Lunsod Vicente B. Amante sa pamamagitan ni OIC City Cooperative Officer Beth Biglete kabalikat ang Saint Paul Coop. Union na pinamumunuan ni G. Hector Bapuno ay isinagawa ang Forum on Coop Taxation noong Mayo 23 sa dako ng Girl School Building, Trese Martirez St, San Pablo City.

Naging matagumpay at makabuluhan ang forum na ito na dinaluhan ng 40 opisyales ng iba’t-ibang kooperatiba sa lunsod kung saan ay kinatawan ni G. Pedrito Bigueras ng CIO ang ating Punong Lunsod Vicente B. Amante upang maging pangunahing panauhin . Naging tagapagsalita ang mga kinatawan mula sa Panlunsod na Tanggapan ng Ingat Yaman na sina Willian Cartabio at Marivi Velasco, gayundin sina Catherine Villanueva, Arnel Cosinas at Letty Mallari ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Layunin ng forum na ito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga rehistradong kooperatiba hinggil sa mga umiiral na batas na may kinalaman sa pagbubuwis at bigyan ng linaw ang exemptions at taxability ng naturang mga kooperatiba.

“Ignorance of the law excuses no one, kaya nga minarapat ng CCO na maisakatuparan ang ganitong gawain para sa higit na kabatiran ng mga kaanib ng kooperatiba sa lunsod ng San Pablo” pagtatapos ni OIC Beth Biglete. (CIO/Jonathan Aningalan)

No comments: