Monday, April 14, 2008

POLITICAL SACRILEGE, NARATING NA NI AMANTE




Sa isang media forum na aking nadaluhan, kahanga-hanga ang ipinamalas na talino ng naging resource speaker nang maraming nagtanong ng ika nga’y “any topic under the sun” na labas sa paksang kanyang tinalakay.

Ito’y mga tanong ukol sa geography, history, science, mathematics, religion at iba pang bagay na wala sa alinman sa aking nabanggit dahil kahit birthday o date of death ng mga lokal at banyagang bayani ay alam niya at nasagot ng buong husay.

Kakaiba ang itinanong ng isa na marahil ay nais siyang subukan. Ito ay tungkol sa “Political Sacrilege”. Aniya, ang “Sacrilege” ay terminong ginagamit sa mga banal na bagay, na magkakasala ang sino mang sakaling iugnay sa walang kapararakan. Doon niya sinimulan ang malinaw na paliwanag.

Mula sa kaisipan ng resource speaker ay napag-alamang bago pa lamang ang salitang ito na napapa-ugnay sa pulitika kung kaya’t hindi pa palasak na “synonyms of literary terms”. Sa kanyang pagpapatuloy ay binanggit niyang katulad ng mga banal ay hindi rin dapat batikusin ang isang opisyal ng pamahalaan na may sacrilege sapagkat ang mga ito ay may sarili nang pedestal.

Nilinaw rin niya kung paano ito natatamo. Ang political sacrilege ayon sa kanya ay hindi biglang nakakamit dahil ito ay ang maingat na pamamahala at paglilingkod ng isang public servant, na sa katagalan ay “you have touched the lives of all your constituencies with more than half of the total number directly reaping benefits and classified as satisfied.”

Dito ko naalala ang nabasa ko sa isang lokal na pahayagan ilang taon lang ang nakakalipas na si Mayor Vicente B. Amante ang tanging may sacrilege sa mga city mayor ng Timog katagalugan. Tama kung ganoon hindi man naipaliwanag sa lathalain kung paano ito natamo ni Mayor Amante, dahil nagkaroon ng problema sina Mayor Ramon Talaga ng Lucena, at dating Mayor Fred Corona ng Tanauan at Mayor Joey ng Sta. Rosa.

Marapat banggitin na ang kasalukuyang nakikinabang sa pagiging sacrilege ni Mayor Amante ay ang mahigit na 12,000 maralitang mag-aaral ng Main and Public High School Annexes na kanyang napagyaman at naitatag; ang daang libong maralitang mamamayan ng lunsod na nabiyayaan ng libreng konsultasyon ng City Health Office, ang mahigit na 3,000 mag-aaral ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo (DLSP); ang libo-libong mamamayan na nakatanggap ng libreng gamot at ayuda ng matagumpay na indigency program; ang mga regular and casual employees ng city hall at ang 80 barangay ng Lunsod ng San Pablo.

Kung sa hinaharap ay may bagong synonyms of literary terms na lalalabas at mauuso na hihigit pa sa terminong “political sacrilege” ay nakakatiyak na ito’y muling iuugnay kay Mayor Vicente B. Amante. (SANDY BELARMINO/VP seven lakes press corps)


No comments: