Sa Araw ng Kagitingan, pahapyaw kong babatiin
Ang Lalakeng simpleng-simple, kung tawagin noo’y Biteng
Natatanging San Pableño, uliran at matulungin
Lumaban sa kahirapan, sa sikap ay nagluningning
Pagkat kanyang nadarama, kawa-awa ang mahirap
Para bagang munting sisiw, giniginaw, naghahanap
Sa pagkahig at pagtuka, kilos ay aandap-andap
Binabato pa kung minsan, palaging sisiyap-siyap
Araw-araw sa tanawin, na lagi n’yang namamasdan
Na ang dukha’y dumaraing, lalo ‘pag may karamdaman
Mayroon pang nanunumbat, sa lungkot ng kapalaran
Puso niya’y nagdurugo, damdamin ay nasasaktan
Hindi sapat ang tulong n’ya, pagkat s’ya ri’y isang dukha
Kaya siya ay nagsikap, dumalangin kay Bathala
Di man siya Inhenyero, nagpumilit makagawa
Ng Jeep na pampasahero, nagustuhan nitong madla
Pinagpala ng Maykapal, marami ang natulungan
Umahon at naka-alpas, sa burak ng kahirapan
Kinilala ang tuklas n’ya, halos buong kapuluan
Dumami ang negosyante, si Biteng ay nasiyahan
Iginuhit ng tadhana, na sa lunsod ay mamuno
Upang bigyan ng solusyon, mga gusali itinayo
Pinaganda ang San Pablo, pangarap n’ya ay binuo
Kalusugan! Edukasyon! At kalinga nitong puso!
Di na kayang bilangin pa, sa daliri nitong kamay
Pagkat ito’y nakarating, bawat sulok ng Barangay
Kabataa’y nasiyahan, katandaan ay nagpugay!
Ang sanggol pang isisilang, sasalubong ay tagumpay!
Patapos na ang Ospital, na may isandaang kama
Na laan sa mahihirap, wala ng babayaran pa
Kulang itong buong d’yaryo, sa iba pang proyekto n’ya
Dakila ang kanyang isip, punong-puno ng pagsinta!
Sa Araw ng Kagitingan, sumasaludo po kami
Sa alkalde ng San Pablo, VICENTE B. AMANTE
Si Vic ka man o si Biteng, lubos kaming nagpupuri
Dakila ka sa dakila, ika’y “BUHAY NA BAYANI!”
(tulang handog ni Romeo "Palasig" Evangelista/7LPC)

No comments:
Post a Comment