San Pablo City – Ang ipinaglaban noon ni Mayor Vicente B. Amante na dapat magbayad ang mga utility company, tulad ng Manila Electric Company (MERALCO) sa lawak o yunit ng pamahalaang lokal na kanilang pinaglilingkuran ay nasa law book na.
Magugunita na noong nasa kanyang second term si Amante ay nagharap siya sa Regional Trial Court ng paninindigan kaugnay ng nasabing usapin. Dahil sa pagtutol ng Meralco sa hatol ng RTC ay nakarating ito sa Korte Suprema.
Marso 25, 1999, sa desisyon ng Korte Suprema ay kinilala nitong halimbawa o huwaran para maipadama ang “kapangyarihan ng yunit ng pamahalang lokal na mapangalagaan ang kanilang pananalapi bilang isang korporasyong municipal.”
Ang naging desisyong ito ng Korte Suprema, San Pablo City vs. Reyes, General Report No. 127708) ay kalakip na sa isinaaklat na “Case Law on Local Autonomy and Local Governance” na inihanda nina Alberto C. Agra at Vincent Edward R.Festin, mga kilalang law practitioner at law educator ng Metro Manila.
Sang-ayon naman kay Senador Edgardo Angara na kinikilalang legal luminary sa bansa, dating Executive Secretary ng Estrada administration, at dati ring pangulo ng University of the Philippines System, ang nabanggit na isinaaklat na Case Law on Local Autonomy and Local Governance ay mayamang gabay para sa mga local government administrator.
Aniya, ang usaping “San Pablo City vs. Reyes” ay ilang ulit na nabanggit bilang batayan o jurisprudence sa pagbalangkas ng mga kapasiyahan sa pangangasiwa ng isang yunit ng pamahalaang lokal na may kaugnayan sa pananalapi at tamang paniningil ng buwis. (RET/7LPC)
Tuesday, April 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment