Mga balita at kaganapan sa Lunsod ng San Pablo at sa buong Calabarzon area.
Monday, April 7, 2008
CHARICE PEMPENGCO, SA SAN PABLO CITY NAGSIMULANG SUMIKAT
Si International Singer Charice Pempengco ay masasabing sa Lunsod ng Pitong Lawa unang nagpakita ng kahusayan sa pag-awit bago pa man ito nakilala sa buong bansa at sa International Scene. Regular na panauhing tagapag-tanghal si Bb. Pempengco sa tuwing sumasapit ang kaarawan ni Unang Ginang Nercy Sahagun Amante. (SANDY BELARMINO)
Ang nasa larawan ay ang One Stop Shop Processing Center na itinayo ng administrayon ni Mayor Vicente B. Amante. Ang naturang gusali ay ang kauna-unahan sa buong kapuluan at ito ang naging modelo ng lahat na lokal na pamahalaan upang ang mga ito'y higit na makapaglingkuran sa kani-kanilang mamamayan.
No comments:
Post a Comment