San Pablo City – Kinondena ng samahan ng mga mamamahayag ang pananakot at pagbabanta ng kapatid ng bise-alkalde sa isang miyembro ng media sa harapan ng mataong lugar na One Stop Shop Processing Center dito kahapon ganap na 10:25 ng umaga.
Dinuro at kinumpronta ni FeliX Monchito “Mito” A. Ilagan Jr., kapatid at confidential assistant ni Vice Mayor Martin A. Ilagan ang media man na si Sandy Belarmino, reporter at kolumnista ng Laguna Courier, hinggil sa nakatakda nitong sulating artikulo na may kaugnayan umano sa pag-iiyak ng bise-alkalde bago magkaroon ng sesyon ang sangguniang panlunsod noong Martes.
Ayon sa mga nakasaksi ay pinagbantaan pa umano ng suspek ang media man na may mangyayaring hindi maganda kung itutuloy nito ang nasabing artikulo.
Una rito ay laging tinatawagan ng pansin ni Belarmino ang bise-alkalde dahilan sa hindi pagdaraos ng sesyon ng sanggunian sa nakalipas na anim na magkakasunod na linggo na ikinagagambala sa mga pagawain ng mga barangay ng lunsod.
Ikinairita ito ng kapatid ng bise-alkalde sanhi upang pagbuntunan ng galit ang nasabing reporter.
Sa pagsisiyasat ng media ay lumilitaw na may kaugnayan ang napipintong privilege speech ng isang konsehal tungkol sa katiwalian sa sedera kung kaya’t sinasadyang huwag magkaroon at pinipigil ang sesyon ng sanggunian upang hindi ito mabigkas. Sangkot umano ang bise-alkalde at ilang kaanak sa nasabing kontrabersya. (7LPC)
Wednesday, January 7, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment