Thursday, January 8, 2009

BAGSAK PRESYO SA BAGONG SERBISYO PROMO NG SPCWD, PINALAWIG

San Pablo City - Kaugnay sa pagdiriwang ng ika-35 taon ng pagkakatatag ng San Pablo City Water District (SPCWD) at bilang pasasalamat sa naging maayos na operasyon nang nakaraang taon ay extended ang promo ng naturang ahensya hinggil sa pagpapakabit ng bagong serbisyo ng patubig.

Sakop ng nasabing promo ang lahat ng klase ng koneksyon mula sub-connection, short lateral hanggang long lateral na karaniwang binabayaran mula P5,153 hanggang P9,863 sa panahong walang promo ng bagsak presyo ng pagpapakabit.

Ayon kay Al Genove, communication Officer ng SPCWD ay mananatili sa halagang P1,250 ang magagastos ng isang magnanais magkaroon ng serbisyo ng patubig sa nalolooban ng promo period na magtatagal hanggang Hunyo 30, 2009. Sa promong patubig sa ibinagsak na halaga ng SPCWD ay libre na dito ang labor at materyales.

Inaasahang dudumugin ang bagsak presyo sa bagong serbisyo ng patubig dahil ito’y malaking katipiran para sa mga karaniwang San PableƱo, bukod pa sa haba ng pagkakataong ipinagkaloob ng SPCWD upang ang nasabing halaga ay kanilang mapag-ipunan.

Sa kasalukuyan ay walo na lang sa 80 barangay ng lunsod ang walang serbisyo ng tubig subalit sa timetable ni GM Roger Borja ay hindi matatapos ang 2010 ay aabot na sa kanila ang mahalagang serbisyong ito. (NANI CORTEZ)

No comments: