Sunday, February 28, 2010

TODO UNLAD MALAMIG FESTIVAL, ISANG LINGGONG PAGDIRIWANG

San Pablo City - Nakatakdang ganapin ang ika-2 Todo Unlad Festival 2010 sa Brgy. San Jose Malamig dito sa Marso 13-19, na kapapalooban ng isang linggong pagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang mahal na patron saint sa patuloy na pag-unlad.

Katulad ng mga nagdaang kapistahan ay magkakaroon muli ng buong linggo ng gabi-gabing pagtatanghal na itataguyod ng mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Brgy. Chairman/ABC President Gener B. Amante.

Magiging open competition ang gagawing Search for Miss Gay San Jose sa unang gabi ng Marso 13, samantalang bukas lang sa mga San PableƱo ang KANAYON Talent Night and Singing Contest sa Marso 14 na itataguyod ng Pharmawealth at Universal Robina Corporation.

Ang DSL Night-Dance Competition ay bukas din sa publiko sa Marso 15 at ang Mayor’s Night – San Jose Got Talent ay para lang sa mga residente ng barangay at mga kawani ng mga institusyong nasasakupan nito sa Marso 17. Ang Marso 16 naman ay para sa SK Night.

May malaking pagtatanghal sa Barangay Council’s Night – Starry Starry Night na kapapanooran ng variety shows ng mga artista buhat sa pinilakang tabing at telebisyon sa Marso 18 at Battle of the Band sa Rondel Diaz Night, araw ng kapistahan Marso 19 kung saan sa umaga ay may gaganaping Palarong Bata at Bata Batuta.

Inaasahang ibayong kasiyahan ang naghihintay sa mga makikipagdiwang sapagkat ang Todo Unlad Malamig Festival ay ang natatanging barangay sa lalawigan na nagdaraos ng kakaibang pestibal sa kanilang kapistahan. (SANDY BELARMINO/VP-Seven Lakes Press Corps)

No comments: