Friday, January 15, 2010

TATLONG SUSPECTS SA PAGPATAY HULI AGAD NG MGA PULIS

SAN PABLO CITY - Sa tulong ng isang concern citizen na agarang nagreport ng insidente at sa agarang askyon ng San Pablo City PNP ay mabilis na nahuli ang tatlong (3) suspects sa pagpatay kay Michael Clarianes, 28 taong gulang, may-asawa ng Brgy. del Remedio.
Kaya sa nagawang mabilis na aksyon ng kapulisan ng lunsod ay binigyan sila ni Mayor Vicente Amante ng letter of commendation sa nakaraang Pagtataas ng Watawat nuong Lunes, Jan. 11, 2010 na ginanap sa Pamana Hall.

Binigyan ng commendation sina P/Supt Raul Bargamento, P/SInsp Noel Carias, P/SInsp Rolando Benedictos, SPOI Jesus Platon, SPO2 Jerryson Laguras, PO3 Sherwin Bulan, PO3 Ronald Valdez, PO3 Ramil Suministrado, PO2 Angelo Sacdalan, PO2 Darwin delos Santos, PO1 Bayani Reyes, Jr., PO1 Alvin Santos, PO1 Pedter Janairo III at CA Julius Estomago.

Ayon sa special report (blotter), nuong Jan. 4 dakong 10:00 n.g. sa may Sampalok Lake habang namamahinga ang biktima ay may lumapit na 3 tatlong lalake at nagdeklara ng hold-up. Subalit nanlaban ang biktima kaya ito nasaksak ng ilang beses ng mga suspeks.
Pagkatapos ma-ireport ang insidente at ma-identify ang mga suspeks ay agarang nagsagawa ng briefing si P/Supt Raul Bargamento sa kanyang mga intelligence operatives para sa isang manhunt operation para arestuhin ang mga suspeks.

Kaya nOong Jan. 5 ganap na 12:15 n.h. ay naaresto ang mga suspeks na sina Jonathan Almario, 28 y/o; Jefferson Maron, 20 y/o ng Brgy. San Lucas I at Nestor Bulahan, 19 y/o ng Brgy. San Lucas II. Nakumpiska sa kanila ay 2 bladed weapons at isang white t-shirt na parehong may dugo. Kasong murder isinampa sa Dept. of Justice kaugnay ng insidenteng ito. (CIO-SPC)

No comments: