Malinaw na banggaan ng interes ang nangyayaring komedya ngayon sa senado hinggil sa double insertion sa budget ng C-5 Extemsion na kinasasangkutan ni NP presidential candidate Sen. Manuel Villar noong siya pa ang pangulo ng nasabing kapulungan.
Ang naturang gawain ay kalakaran na’t nangyayari maging sa mababang kapulungan ng kongreso sa pagnanais ng bawat mambabatas na magkaroon ng kasiguruhang matatapos ang proyekto sa lalong madaling panahon. Kung kaya’t tinitiyak na may sapat itong pondo.
May mga pagkakataong ipinangangalandakan pa ito ng ilang mambabatas bilang pogi points sapagkat sa pamamagitan ng kanilang resourcefulness ika nga ay napadadaloy nila ang mga pagawaing bayan sa kapakinabangan ng kanilang mga constituents.
Nakatitiyak na hindi lamang si Villar ang gumagawa nito sa senado dangan nga lamang at nakatayo siya sa maselang kinalalagyan na dinadaanan ng panudla ng mga pagpuna, sapagkat sa panahon ng halalan ay isyu ang nagbabanhay o nagbubuwal sa bawat pangarap ng isang kandidato.
Pinatunayan ni Sen. Pimentel na ang lahat ay pawang guilty ng budgetary insertion na inalmahan ng isang naghahangad maging pangalawang pangulo sa nakakatawang pangangatwirang dati siyang miyembro ng minorya, na para sa kabatiran ng lahat ay iglap lamang ang palitan nila ng mayorya.
Si Villar sa ngayon ay nasa mundo ng dog eats dog na nililitis ng mga kasamahang may kaparehong pagkakasala at may posibilidad na ang pagkakamali ay masahol pa.
Thursday, January 28, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment