Saan mang panig ng Calabarzon ka magtungo ay naglipana ang tarpaulin at ang karamihan ay pagbati sa nakaraang kapaskuhan na kahit matagal nang nakalipas ay kusang hindi inaalis to serve its purpose para sa name recall sa pagsapit ng halalan,
Medyo naiintriga ang pitak na ito sa dahilang ang mga dati nang kumukontra sa tarpaulin ay game na game na rin sa kanilang pagbati, at inaasahan pang higit na darami sa mga lugar na magdaraos ng kapistahan tulad ng mga lunsod ng San Pablo at Batangas City o saan mang dako na ang tatamaan ng kapistahan ay bago sumapit ang campaign period.
Natatawa na medyo naaawa ang inyong lingkod sa mga taong ganito na hindi naging tapat sa kanilang mga sarili sapagkat hindi nila naipagpatuloy ang animo’y paglilinis-linisan na dati’y tila diring-diri sa tarpaulin.
Noon kasi ay wala silang inatupag kung hindi ang batikusin ang mga mambabatas na dahil sa dami ng mga proyektong naipagawa sa distrito kasing dami rin ang tarpaulin nakaakibat sa bawat proyekto, dahil ito ang ipinag-uutos ng batas upang masubaybayan ng publiko kung ano at sino ang tungkol sa nasabing pagawaing bayan.
Sa mga tarpaulin kasi nakasulat ang job description, ang halaga at takdang panahon kung kailan dapat matapos. Nandoon din ang pangalan ng mambabatas na siyang nag-asikaso upang maisakatuparan ang proyekto, na samakatuwid ay marapat lang na maisama sa tarpaulin.
Hindi mawari ng may-akda ang magiging saloobin ng mga “tarpaulin-hater” pagkatapos na mabasa ang pitak na ito, na wala namang proyektong ipinagawa ay may nagkalat na mga tarpaulin na pawang ang laman ay pagbati upang maitanghal lang ang mga sarili ay pa-picture-picture upang magpa-cute kahit masasabing hindi naman sila cute.
Hindi lang “medyo” dahil TALAGANG NAKAKAHIYA ang inyong mga ginagawa sapagkat wala namang batas na nag-uutos ng pagbati sa tarpaulin. Munting bagay lang ito subalit sumasalamin sa kung anong uri kayong opisyal ng bayan sa dahilang mababakas dito ang inyong nakaraang pagpapahayag na hindi masusing pinag-aralan.
Kung sa isyu ng tarpaulin ay hindi na kayo naging consistent ay ano pa ang aasahan ng bayan, kung baga ay bumibigay na tayo sa maliitang suhol buhat sa sedera ay baka mas lalong maghinala sa inyo ang bayan kapag sa Sa Mangga (SM) na ang usapan?! (sandy belarmino)
Friday, January 15, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment