Sa nakaraang pag-uulat na isinagawa ni Mayor Vicente Amante sa Pagtataas ng Watawat nuong Enero 4, 2010 na ginanap sa PAMANA Hall, City Hall Compound., ilang prayoridad na programa ang kanyang binanggit na malaki ang naitulong sa kaunlaran ng Lunsod ng San Pablo. Ito ay ang serbisyong Pangkalusugan, Edukasyon at Pagawaing Bayan.
Pangunahin dito ang Serbisyong Pangkalusugan tulad ng pagtatayo ng San Pablo City General Hospital at ng City Health Annex Building sa Brgy. San Jose; medicine, burial, hospital at laboratory assistance sa ilalim ng Comprehensive Indigency Assistance Program; libreng gamot at examination sa may 17,000 pasyente sa Main Dispensary Service ng City Health Office; kumpletong bakuna sa may 5,000 bata na may edad 0-11 buwan laban sa BCG, Diptheria, Pertussis, Tetanus, Oral Polio, Hepatitis B at Measles; Operation Timbang sa may 37,000 bata; sa Garantisadong Pambata na edad 0-72 buwan mahigit sa 35,000 ang nabigyan ng vitamin A at 26,000 naman ang napurga; 207 pasyente ang napagaling sa sakit na tuberculosis; 1,000 ang na-examine laban sa mga sexually transmitted diseases kung saan 800 ang nabigyan ng lunas; 12,000 ang nabigyan ng dental care and services; 39,000 na kabahayan ang may kumpletong basic sanitation facilitation; at 3,000 ang nabigyan ng medical at dental services ng Mobile Clinic sa iba’t-ibang barangay.
Sa larangan naman ng edukasyon ay marami ng awards at pagkilala ang nakuha ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo. Nagkamit ng 13 major awards ang mga mag-aaral ng Sinag Staff ng DLSP sa Regional Higher Education Press Conference for 2009-2010 na ginanap sa Lucban, Quezon at sa 8th Luzon-Wide Higher Education Press Conference sa Puerto Princesa, Palawan; 26 mag-aaral ang nakapagtapos na sa San Pablo City Science High School; 476 mag-aaral ang napagtapos sa DLSP sa mga kursong Economics, Psychology, Business Administration, Elementary Education, Secondary Education, Diploma In Hotel & Restaurant Management At Information Technology at mga Technical Vocational Courses tulad ng Automotive Mechanics, Consumer Electrical at Computer Hardware Servicing; upgrading ng science laboratory equipment at medical at dental equipment, additional computers, additional books at periodicals sa DLSP at pagtatayo ng mga classroom building.
Sa mga Pagawaing Bayan naman ay ang installation ng water supply, electrical power/lights, fences at construction ng doctor’s clinic sa SPC General Hospital; rehabilitasyon ng dumpsite at ng materials recovery facility; concreting ng mga kalsada ng barangays Sta. Isabel at Sto. Cristo; construction ng City Engineering Building; construction ng pathway sa Brgy. Stmo. Rosario; rehabilitasyon ng tulay ng Brgy. Bautista at rehabilitasyon ng mga Barangay Halls sa IV-C, San Gregorio at Bautista. (CIO-SPC)
Friday, January 8, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment