Saturday, January 3, 2009

PRE-PAGEANT NIGHT; LAKAN AND MUTYA 2009





































Isinagawa ang pre-pageant night ng Search for Lakan and Mutya ng San Pablo 2009 noong Sabado, Enero 3, kung saan itinampok ang talino, kakayahan at kagandahan ng mga kandidata sa pagrampa sa entablado suot ang swimsuit at kaswal na pananamit. Kamakailan ay isinagawa na rin ang Talent Night ng naturang paligsahan upang sa ganoon ay sa darating na Enero 10 sa Main Stage ng San Pablo City Plaza ay pipiliin at itatanghal ang natatanging Lakan at Mutya ng San Pablo para sa taong 2009. Ang Search for Lakan and Mutya ng San Pablo ay bahagi ng isang linggong isasagawang COCOFEST 2009, ito’y bilang pagpapahalaga sa industriya ng niyog at pagdakila sa patron ng Lunsod na magdiriwang ng kanyang kapiyestahan sa darating na Enero 15. Nasa ika-14 taong pagtatanghal ang COCOFEST na pinasimulan at magpahanggang sa ngayon ay itinataguyod pa rin ng Administrasyon ni Mayor Vicente B. Amante katuwang si City Administrator Loreto “Amben” Amante. (7LPC/Sandy Belarmino)

No comments: