Wednesday, October 27, 2010

SUPT LEO LUNA, HEPE NG PNP-SAN PABLO

Pormal na nagsimulang nanungkulan si P/Supt. Leonard “Leo” L. Luna bilang Officer-in-Charge ng Office of the Chief of Police ng San Pablo City Police Station noong nakaraang Martes, Oktubre 19, kahalili ni Supt. Ferdinand DG de Castro na pansamantalang nalipat sa Laguna Provincial Police Office sa Santa Cruz.

Ang bagong hepe ng San Pablo City PNP Station ay tubong Mamburao, Occidental Mindoro, na nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA), na bago natalaga sa lunsod na ito ay isang may pananagutang pinuno sa Provincial Police Office.

Ayon kay Supt. Leo Luna, ang pangunahin niyang pagtutuunan ng pansin ay ang pagtiyak na ang magaganap na halalang pambarangay sa darating na Oktubre 25, 2010 ay magiging matapat, maayos, at mapayapa sa lunsod na ito.

Hinihiling ni Luna na kung papaanong ang kanyang mga hinalinhang hepe ng pulisiya ay pinagtiwalaan, siya man ay pagtiwalaan din, sapagka’t kailangan ng pulisiya ang pagtitiwala ng mga mamamayan upang ang pulisiya ay makapaglingkod sa mga mamamayan. Tiniyak niyang ang lahat ng magtitiwala sa kanya ng mga kinikilalang confidential information ay mapangangalagaan ang kanyang pagkakakilanlan at kapanatagan. (CIO-San Pablo)

No comments: