Monday, October 11, 2010

CONG IVY, PASADO

May katotohanan ang kasabihang – ang mahalaga sa buhay ay hindi iyong kung ano ka, manapa’y kung ano ang iyong nagawa sa lipunang iyong ginagalawan at gaano ang epekto nito para sa iyong mga kababayan.

Nabuksan ng pitak na ito ang ganitong paksa kaugnay sa unang 100 araw ni Congresswoman Ivy Arago na direkta nating nasaksihan. Hitik ito at masasabing produktibo para sa mga constituents ng kongresista sapagkat halos araw-araw saan mang dako ng distrito ay may mga gawaing pinagkakaabalahan si Cong. Ivy.

Pasadong-pasado ang mambabatas sa kanyang first 100 days sa ikalawa nitong termino kung tayo ang tatanungin dahil hindi nagpapagambala si Cong. Ivy sa alin mang hadlang na pinagdadaanan ng iba pang mga lawmaker na dumadaing sa kakulangan ng pondo.

Sabagay ay dumanas din ang tanggapan ni Cong. Ivy ng ganitong problema, kaya lang ay masusing naisaayos ito ng mambabatas sa pag-i-institutionalize ng kanyang mga programa at proyekto, sa dahilang may mga problemang nangangailangan ng mabilisang aksyon.

Isa rito ang aspetong kalusugan sa distrito. Hindi ito dapat mabinbin at magambala sapagkat hindi naman pwedeng ipayo sa taumbayan na huwag munang magkakasakit. Kaya naman apat na beses sa isang linggo ay nagsasagawa si Cong Ivy ng medical at dental mission sa bawat sulok ng distrito at ito ay for preventive measures. Mataas ang grading maibibigay ng pitak na ito kay Cong. Ivy hinggil dito.

Pasado din ang grado ng kongresista sa iba pa niyang proyekto tulad ng sa edukasyon kung saan ay patuloy niyang natutulungan at naaalalayan ang kanyang mga iskolar. Muli ay nahimok pa ng kongresista ang AiHu Foundation na ibalik sa distrito ang computer van aralan na ngayon ay nasa Victoria, Laguna at sinasanay ang 500 nagnanais matuto ng computer.

Sa susunod na linggo ay ibabalita ng pitak na ito ang eksaktong bilang ng mga natulungan ng Tanggapan ni Cong. Arago upang mapatunayan sa aking mga dear readers na talagang makatwiran na sabihing siya ay pasado sa first 100 days.(sandy belarmino)

No comments: