Wednesday, October 27, 2010

HINDI HANDA

Sa kung paano ipinahahayag ng Commission on Election (COMELEC) ang kanilang kahandaan sa pagdaraos ng barangay at SK election sa buong bansa ay ang kabaligtaran naman ang nararanasan ng publiko batay sa mga reklamong ipinararating sa naturang tanggapan.

Hanggang kaninang medaling araw ay may mga election parapharnelia ang hindi pa nakararating sa mga city at municipal election offices sa maraming lugar dito sa Calabarzon ayon na rin sa ulat na natatanggap ng pahayagang ito.

Subalit sa mga press release ng Comelec ay pinalilitaw nilang ang sama lang ng panahon partikular sa hilagang bahagi ng Luzon ang nakapipigil sa pagdaraos ng halalan sa naturang rehiyon, sa kadahilanang isolated ang lugar o nasira ang mga paaralang pagdarausan nito.

Ngunit lumilitaw na props lang ang lahat ng ito sapagkat ngayong umaga sa pagtungo ng mga botante sa kanikanilang presinto upang bumoto ay tanging silid-aralan lang ang kanilang naratnan sapagkat ang mga guro ay naghihintay pa sa mga tanggapan ng Comelec para sa mga kaukulang balota.

Dalawang bagay lang ang ibig sabihin nito, una hindi handa ang COMELEC at ang pangalawa’y hindi sila naghanda. (TRIBUNE POST)

No comments: