Wednesday, October 27, 2010

COMELEC, SUPER SABLAY

Samantalang mariing pinagtatalunan na huwag magkaroon ng sedera sa plaza ng lunsod o kaya’y sa paligid ng Dona Leonila Park ngayong October Fest upang magluwag ang trapiko ng dalawang barangay sa city proper particular ang nasa kahabaan ng M. Leonor St. (dating P. Aglipay St.) ay bukas kamay na tumanggap dito.

Ang nasabing lugar ay kasalukuyan ding dumaranas ng pagsisikip ng trapiko kahit wala pang sedera kaya’t mahihinuha na natin ang sitwasyon doon sa ngayon lalo pa nga’t nalalapit na ang UNDAS kung saan ang daang ito ang lagusan ng mga sementeryo sa lunsod.

Kung ano man ang kadahilanan ng dalawang chairman sa mga barangay na ito sa pagbibigay pahintulot sa mga sedera na matayo doon ay sila lamang ang nakakaalam. Ngunit batay sa ating mga karanasan sa plaza ay humigit kumulang na iisa ang ating maiisip at ito ay ang extra income (sana) ng barangay at hindi ng barangay chairman.

0-0-0-0-0-0-0-0-0-0

Super sablay ang COMELEC sa ginaganap na barangay election ngayong araw na ito na tila ang pagsusulong upang makalikha ng panuntunan ay ngayon lang nila ginagawa sa halip noong bago pa ito sumapit.

Ngayon lang sila nag-aapura sa pagpapalabas ng mga resolusyon upang pagtakpan ang mga kakulangan tulad ng nauukol na hakbangin hinggil sa delayed delivery ng mga balota. Biktima nila ang mga early riser na nasanay nang bumoto ng umaga sa pagbubukas ng bawat polling precint.

Sabagay ay may mga kandidatong napaboran dito at meron ding nalagay sa balag ng alanganin lalo pa’t ayon sa mga dumagsang mga nagreklamo ay madami ang hindi nakaboto. Apektado dito ang mga kandidatong ang mga followers ay hindi nakapagtiyagang maghintay sa kabagalan ng COMELEC.

0-0-0-0-0-0-0-0-0-00-0-

Congrats sa mga barangay chairman na alam ng pitak na ito na sure winners ngayong barangay elections: Brigitte Lopez Alican, Ed de la Crua, Onay Castillo, Rosilon Exconde, Tess Tala, Buhay Espiritu, Chairman Angeles, Mamay Mendoza, Pungay Bartolome, Billy Palma, Ric San Diego, Tolentino ng I-A, Benbong Felismino, Quesada ng Sto Nino, Asejo ng Sta.Lina ng San Roque, Manalo ng Sta. Veronica, Dandi Medina, Eddie Demejes, Amil Enobio, Onie Reyes, Rey Castaneda ng Brgy. VA, Eloy De La Paz ng Balagbag, Jun Cuello ng San Nicolas.

No comments: