San Pablo City - Umaani na ng suporta ang Todo Unlad: Malamig Festival 2009 buhat sa mga samahang sibiko at mga personaheng nagtitiwala sa mga residente ng naturang Barangay San Jose (Malamig) na sustainable ang nasimulang pag-unlad ng nasabing lugar.
Nabatid sa KANAYON, ang komitibang nagsusulong sa pestibal, na mula ng sumang-ayon si San Jose Barangay Chairman and ABC President Gener B. Amante sa konsepto ng isang linggong pagdiriwang (Marso 13-19) ay dumagsa na ang mga nag-aalok ng pakikiisa sa Todo Unlad: Malamig Festival.
Kinumpirma ni Rod Guia na kasali sa mardi gras o street dancing sa Marso 18 ang San Vicente National High School, Dizon Memorial High School, DLSP at Liceo de San Pablo na kampeon ngayong taon at ng nakaraang taon sa Coconut Festival.
Bukod sa pagsuporta ni ABC President Amante ay naghahandog din ng tulong sina Mayor Vicente B. Amante, City Admin Loreto “Amben” Amante, BM Danny Yang, Dr. Panaligan ng DLSP, Nitz at Bessie Amante, Eddie Escondo, Director Egay Victorio, Universal Robina Corp., Pharmaceutical Laboratory at marami pang ibang nangangkong lubos na susuporta sa okasyong ito.
Sakop ng isang linggong pagdiriwng ang gabi-gabing pagtatanghal na kapapalooban ng Battle of the Bands, Amateur Singing Contest, Miss Gay Fashion Show, Miss Bebot contest at marami pang sorpresang bilang.
Magiging tampok sa pagdiriwang ang timpalak kagandahang Search for Lakan and Mutya ng San Jose 2009 na gaganapin sa Marso 17 ng gabi. Sampung makikisig na kabinataan at sampung nag-gagandahang dilag na pawang taal na residente ng nasabing barangay ang magtatagisan ng talino para sa naturang titulo.
Ang mga opisyal ng KANAYON ay ang mga sumusunod Rod A. Guia, Elsa Zagada, Elvie Fule, Mely Eronico, Au Marco, Bel Culaban, Alma Banayo, Mayeng Fule, Vila Alimagno, Linda Pamilar, Rosie Bartolome, Dory Obispado, Sally Briñas, Fely Bautista, Linda Guia, Nitz Amante at Sandy Belarmino sampu ng Seven Lakes Press Corps. (NANI CORTEZ)
Wednesday, February 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment