Thursday, December 11, 2008

TENYENTE AVIQUIVIL, OUTSTANDING ROLP MEMBER SA TAONG 2008

Lunsod ng San Pablo - Kinilala at pinarangalan ng Reserve Officers Legion of the Philippines (ROLP) si 1st Lt. Antonio L. Aviquivil PA (Res.) bilang Most Outstanding ROLP member para sa taong kasalukuyan.

Si tenyente Aviquivil ay aktibong miyembro ng ROLP Laguna and San Pablo City Chapter at laging nagiging kaagapay sa mga proyekto at programang isinasagawa ng naturang asosasyon na isinusulong sa Lunsod na ito at sa kalakhang Lalawigan ng Laguna.

Itinaon ang pagkilala at pagpaparangalan kay Aviquivil sa ika-55 Pambansang Kombensyon ng ROLP noong nakaraang December 6, 2008, sa AFPRESCOM Bldg., Kampo Emilio Aguinaldo, Lunsod ng Quezon.

Sina Major Gen. Reu Lucio G. Samaco DCSRRFD, J9, Col. Edilberto Dorinila, JSC PA (Res.) , Col. Robert Theodore S. Romero, PAF(Res.) at ROLP National President Col. Andrew C, Nocon PAF (Res.) ang ilan sa mga dumalo at kumilala sa kasipagan at pagpupunyagi ni Aviquivil. Dumalo rin sa naturang okasyon ang anak ni tenyente Aviquivil na si Capt. Anthony V. Aviquivil, PAF, na siyang outstanding Philippine Military Academy Graduate noong taong 2000, SANGHAYA Class. (Jonathan Aningalan/CIO)

No comments: