Pilipinas ay kilala noon pang panahong una
Dahil napakadakila pagsamba ay isang pista
Ang mga Santo at Santa ng debotong pinipita
Sa balikat dinadala at may dasal ng pagsamba
Ilang araw ang sedera, sa bayan ay nagtitinda
Sa gilid nitong kalsada, mamili ng murang mura
Saan ka man mapabanda,sigaw ay tila musika
Tumataginting sa tainga, nakalulugod sa mata
Bakit nakapagtataka, kung saan saan napunta
Mga kawawang tindera, nagpapalipatlipat na
Minsan sa sulok nakita, biglang lipat sa ilaya
Negosyanteng mapepera, ang nagpapalayas pala
Puna hindi mailagan, di dapat pahintulutan
Dahil di pa pinayagan, ng dakilang sanggunian
Marami ang naulingan at bulsa ay narumihan
Di ba dapat maambunan, upang bibig ay matakpan
Marahil ay nahirinan at biglang nabilaukan
Naghari’y katahimikan, mga dila napipilan
Dahil may pinaghatian, mga bibig natapalan
Pati mata ay natakpan, lubusan ng nabulagan
Baak baak ang dahilan, kaya sumaya ang bayan
Dahil itong kapistahan, tunay na ngang kasayahan
Nawawala ang silipan, kapag may pinagpartihan
Dahil walang karangalan, ngaw-ngaw sana ay tigilan
Bunga naman kagalitan, nitong dating kapatiran
Nalimot itomg sumpaan , hindi dapat mag-iwanan
Sana di pinagtaksilan at hindi nagsalawahan
Sa murang murang dahilan, barya na pinag-agawan
Wika ni Arnold Acebron, buti may Martin Ilagan
Ares at Gel pa ng bayan, sedera,y pinag-aralan
Hindi agad pinayagan dahil ayaw ni Danny Yang
Mahabang pinagtalunan wala lang kinahinatnan.
Friday, December 5, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment