Sunday, December 28, 2008

COCOFEST IKINASA NA

San Pablo City- Puspusan na ang ginagawang paghahanda sa nalalapt na 14th Coconut Festival (COCOFEST) dito na nakatakdang ganapin simula Enero 8 hanggang Enero 15 bilang pagdakila sa patron saint ng lunsod.

Kagabi ay sinimulan na ang talent night ng mga kalahok sa Lakan at Mutya ’09 Beauty Pageant bilang tampok sa nasabing pestibal. Muli ay gaganapin ang pre-pageant sa Enero a tres at makaraan nito ay coronation night sa City Plaza main stage, kung saan ay pipiliin ang magwawaging Lakan at Mutya ng San Pablo, Ginoo at Binibining San Pablo at Mr. & Ms. Cocofest 2009.

Ang Cocofest proper ay magsisimula Enero 8 na katatampukan ng Coco Trade Fair, Food and Beer Plaza, Coco Sport Fest at Cook Fest kaalinsabay ng gabi-gabing pagtatanghal tulad ng Battle of the Bands at mga palabas ng mga kilalang artista’t mang-aawit ng bansa.

Inaasahang dadayuhin ng mga turista ang Street Dancing Competition sa Enero 13 na taon-taong pinanonood ng mga domestic at foreign tourist, na susundan ng float parade sa Enero 14. Kapwa motiff ng nasabing okasyon ang kasuotang nagbuhat sa puno at bunga ng niyog.

Dahil ang Cocofest ay kinikilala ng Dept. of Tourism bilang isang tourist event sa Lalawigan ng Laguna ay ipinag-utos ni City Administrator Loreto S. Amante sa City Tourism Office na makipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang masiguro ang tagumpay ng naturang pestibal. (Nani Cortez)

No comments: