Sunday, August 23, 2009

UGNAYAN sa SAN PABLO, Napapanahon

Nagkaroon noong Linggo ng meeting of the minds ang mga political leaders nina Cong. Ivy Arago, Mayor Vicente B. Amante at Councilor Angie Young sa pagtatatag ng UGNAYAN kaugnay ng nalalapit na halalan sa 2010.

Sa inisyatibo ni Mayor Amante, ang UGNAYAN ng SAN PABLO binuo upang higit pang mapag-ibayo ang ginagawang paglilingkod ng pamahalaan, local man o nasyunal sa mga mamamayan ng lunsod at buong 3rd district ng lalawigan sa pamamagitan ng team work ng tatlong naturang opisyal ng pamahalaan.

Humigit kumulang ay ganito na marahil ang magiging mukha ng alyansa ng tatlo pagsapit ng 2010 elections kung saan ang posisyong lalabanan nila ay ang mga sumusunod, Si Cong. Ivy Arago ay reeleksyon sa pagka-kongresista, si Mayor Vicente B. Amante bilang reeleksyonista alkalde ng lunsod at si Angie Yang bilang pambato ng grupo sa pagkabise alkalde ng San Pablo City.

Masasabing perfect team ang tatlo sapagkat kailanman ay pagtutulungan talaga ang kailangan ng lunsod upang makamit ng bayan ang kaunlaran. Napatunayan natin ang kahalagahan ng UGNAYAN at kawalan nito nang bimbinin ng sangguniang panlunsod ang ating budyet ngayong taong 2009.

Nakaapekto ito sa mga basic services ng lunsod at mga karaniwang San Pablenyo ang higit na nagdusa lalo na sa mga mahihirap na napagkaitan ng alalay ng indigency program, na para bagang sinasabi ng tanggapan ni Vice-Mayor na bawal munang magkasakit sapagkat wala kayong maaasahang tulong buhat sa amin.

Sa isang banda'y mabuti na lamang at mulat si Mayor Amante sa problema ng kanyang mga kababayan, gumagawa ng kaparaanan upang maibsan ang bigat na dinadala ng mga indigents na ito sukdulan sa personal na lukbutan nanggagaling ang pera na itinutulong sa ating mga kapos palad na kababayan.

Salamat din sa pang-unawa ni Congresswoman Ivy Aragon a tumugon sa pangangailangan ng maraming pagawaing bayan na nabimbin dahil sa kawalan ng budget ng lunsod. Kailangan din nating malaman na bukod sa San Pablo ay may anim pang bayan na dapat ding paglingkuran si Cong. Ivy, kaya’t napapanahon talaga ang UGNAYAN.

Ito ang mga kadahilanan na bukod sa dapat muling mahalal sina Cong. Ivy at Mayor Amante ay mabigyan natin sila ng makakatulong sa Sangguniang Panlunsod sa katauhan ni Angie Yang bilang Bise-Alkalde. (SANDY BELARMINO)

No comments: