Wednesday, September 15, 2010

PASS YOUR PAPER

Whether we like it or not ay tuloy ang halalang pang-barangay sa Oktubre 25, 2010 na ibig sabihi’y bukas tayong lahat sa posibilidad na kung ano ang mangyayari sa ating mga incumbent barangay officials.

May mga nagsasabing maikli ang tatlong taon para sa isang mahusay na lider at napakahaba naman sa mga palpak na naglingkod sa kanilang nasasakupang mga barangay. At ito nga ang problema ng mga nasa huling kategorya na inabot ng “pass your paper” kung baga sa school.

Finish or not finish ika nga ay kailangang humarap sila sa mga ka-barangay na siyang magtse-check ng kanilang nagawa, na kapag bumagsak ay hindi na makakapagpatuloy sa panunungkulan. Ito naman ay kung hindi madaya ang magko-compute ng kanilang grade.

Mapalad naman ang masisipag na opisyal na maaga pa’y nasagutan na ng tumpak ang test paper. Wala silang dapat alalahanin sapagkat nakasubaybay at nakaalalay sa kanila ang mga natulungang kabarangay.

Tanggapin natin na sa bawat eleksyon ay may natatalong incumbent lalo na iyong mga mahilig sa “Lakbay-Lakwatsa” na hindi naman sa pagmi-minus ay ang mga pinupuntahan ay walang matututunan sapagkat higit na magulang ang dumating kaysa sa mga pinasyalan. Hindi kaya ramdam ng mga na ito ang matagal nang pagka-asar ng kanilang mga kabarangay dahil sa paglustay ng pondo sa walang katuturang paglalakbay?

Kaya nga llamado ngayong eleksyon ang mga maaga pa’y nakapagtanim na ng kabutihan sa barangay, iyong taos-pusong nagpa-follow up sa indigency office ni Mayor Amante and Cong. Ivy Arago ng problema ng mga kabarangay na nangangailangan at hindi iyong tipong paupo-upo at painom-inom lang sa barangay Hall at naghihintay lang ng biyaya para sa kanilang mga sarili lamang.

Samantala ay malaki din ang problema ng mga barangay opisyal na “bumaklay” nang nakarang eleksyong local at nasyunal, lalo na iyong mga hingi ng hingi ng tulong tapos iba naman pala ang susuportahan at higit sa lahat ay iyong tumalikod sa tumutulong sa kanilang mga kabarangay.

Pero sure win naman ang mga barangay chairmen na walang kalabang magpa-file ng certificate of candidacy.(SANDY BELARMINO)

No comments: