San Pablo City- Sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) Regional Office sa Lunsod ng Lucena ay magtataguyod si Laguna Third District Congresswoman Maria Evita Arago ng mobile passporting sa darating na Nobyembre a bente dito.
Nakatakdang ganapin ito sa Siesta Residencia Arago, Green Valley Subd., San Francisco Calihan lunsod na ito simula ganap na ika 8 ng umaga hanggang ika 3 ng hapon.
Upang maging maayos ang nasabing gawain ay nagpaunawa na si Regional Director Edmundo Mangubat ng mga dapat dalahing dokumento nang sa ganoon ay higit na marami ang mapaglingkuran ng kanyang tanggapan.
Ang una ay ang paghahanda ng P1,200.00 passport fee at birth certificate na may NSO authentication, samantalang sa mga female married person ay kinakailangang may kalakip na authenticated marriage contract. Kapwa sila pinapayuhang magdala ng tig-dalawang valid ID tulad ng drivers license, voters ID at ibang kinikilala ng pamahalaan.
Sa mga magre-renew ng pasaporte ay kailangang iprisinta ito kasama ang photocopy ng inside at backcover, at may pahinang nagsasaad ng pinakahuling paglabas ng bansa mula sa Bureau of Immigration ganoon din ang pagbalik na may kaukulang selyo ng naturang kawanihan.
Nananawagan si Rep. Arago sa mga passport applicant na hangga’t maaga ay kumpletuhin na ang mga requirements upang maiwasan ang pakikipagsiksikan sa mga DFA office sa kamaynilaan. Bukod pa sa matitipid kung dito mismo makukuha ang passport.
Ang kanilang application form sa mobile passporting ay makukuha sa tanggapan ng kongresista. Tumawag o magtext kina Len Baral 0917 500 7707 o kay Wena Flores 0919 651 8069. (SEVEN LAKES PRESS CORPS)
Friday, September 24, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment